Mandatory Trainings para sa mga Kooperatiba, Mas Pinalawig

Higit 4K Indibiduwal, Nabigyang Tulong-pangkabuhayan ng PCLEDO
April 28, 2023
Invitation to Bid – INFRA (May 24, 2023)
May 4, 2023

May 3, 2023

Batay sa bagong alituntunin na inilabas ng Cooperative Development Authority (CDA), sa pamamagitan ng CDA MC 2022-19, kinakailangan na sumailalim ang mga opisyal ng kooperatiba sa mandatory training bago makakuha ng Certificate of Compliance (COC). Dahil dito, maraming kooperatiba sa lalawigan ang naapektuhan dahil sa kakulangan ng mga pagsasanay.

Kaugnay nito, sinikap ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), na kabilang sa mga accredited training provider ng CDA, na maipagkaloob sa mga kababayan ang kinakailangang mga pagsasanay upang hindi maantala ang paggawad ng COC.

Mula sa tinarget na 25, nakapagsagawa ang PCLEDO ng 68 na pagsasanay noong 2022 na dinaluhan ng mahigit sa 6,000 na mga kalahok. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face (38 trainings) at virtual (30 trainings).

Kabilang sa mga paksa na tinalakay ang Audit Management, General Labor Standards, Policy Formulation, Financial, Risk and Credit Management, Basic Accounting for Non-Accountant, Strategic Planning at Human Resource Management.

Ngayong taon, nais ng PCLEDO, sa pangunguna ni Ginang Celia Atienza, na mahigitan pa ang bilang na ito upang patuloy na makatugon sa kanilang mandato na makapagbigay-kaalaman, tulong at gabay para sa pag-unlad ng bawat kooperatiba sa lalawigan.

Gian Marco Escamillas – Batangas Capitol PIO / with reports and photos from PCLEDO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.