Livestock Hauler’s Meeting, Isinagawa sa Kapitolyo

Supplemental/Bid Bulletin No. 01 – Change of Venue (Infra)
May 29, 2023
Joint Development, Disaster Management, Peace and Order Council Meeting Isinagawa sa Kapitolyo
June 2, 2023

June 1, 2023

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV), ang Livestock Hauler’s Meeting noong ika-30 ng Mayo 2023 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mahigit 100 na mga partisipante mula sa CALABARZON, National Capital Region, at North Luzon. Layunin nito na mabigyang kaalaman at mapaalalahanan ang bawat isang indibidwal na ang negosyo at hanapbuhay ay kaugnay sa transportasyon ng mga inaangkat at iniluluwas na hayop at iba pang produkto.

Naging mga paksa sa pagpupulong ang mga update sa Avian Influenza at African Swine Flu sa lalawigan, Animal Welfare, at ang mga requirements para sa mga New Trader’s Pass Application.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng pagkakataon na maiprisenta ang proposed Batangas Animal Movement Reporting Approach to Control Diseases (BARACO) na naglalayong mapabalis ang transportasyon ng mga livestock papasok at palabas ng Batangas.

Nagtapos ang pagtitipon sa isang open forum na nagbigay-daan sa mga dumalo upang mabigyang-linaw ang kanilang mga katanungan hinggil sa mga tinalakay na paksa.

Janssen Olimba/Photos: Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.