Konseho sa Proteksyon ng Kabataan, Nagtipon sa Kapitolyo

Cancellation of Project No. 26. Supply and delivery of 35 units of Specific Purpose Rescue Vehicle for use of various barangays of the cities/municipalities in the Province of Batangas for monitoring peace and order situation. (April 3, 2024)
April 3, 2024
Notice of Vacant Positions
April 8, 2024

April 3, 2024

Muling tinipon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) para bigyang-daan ang mga nakalatag na plano at programa ng konseho na nakasentro sa proteksyon at kapakanan ng mga kabataan sa lalawigan.

Pangunahing tampok sa pagpupulong ang isyung ukol sa early teenage pregnancy, kung saan kabilang ang Batangas sa may mataas na bilang nito.

Sa inisyatibo ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na tumatayong lead agency para sa programang ito, inilatag sa konseho ang mga pagpaplano ng mga aktibidad, na nakabatay sa inilabas na direktiba ng Department of the Interior and Local Government )DILG), ganun din ng 2024 LCPC functionality assessment para sa mga kaanib na mga ahensya.

Naging bahagi din ng talakayan ang adoption ng Standard Lay-Out ng National Children Development Council sa pagpapatayo ng mga Child Development Centers sa lalawigan, ganun din ang proposed ordinance na magtatakda ng standard fee para sa pagsasagawa ng sertipikasyon at rekognisyon ng nakatayong child development centers, kasama ang mga pribadong uri ng children centers sa buong lalawigan.

Nagganap din sa pagtitipon ang pagbabahagi ng mga commitment ng mga kasama sa konseho bilang ambag sa programa. Ang pagbabahaging ito ay inilahad sa harap ng council, sa pangunguna ni PSDWDO chief Florita Lachica at Batangas Province Sangguniang Kabataan Federation president, Board Member Voltaire Pua, kasama ang mga ahensya ng Kapitolyo at national agencies na kinabibilangan ng Deparment of Education, Philippine National Police, Department of Labor and Employment, SHARE Inc. at Lipa Archdiocesan Social Action Commission Inc.

Nakasentro sa pagpapaigting ng public awareness at malawakang information drive ang nakikitang unang hakbang upang maipabatid sa mga lokal na pamahalaan, partikular sa mga barangay at paaralan, ang mga saklaw ng Magna Carta for the Protection of Children.

Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.