Kampanya para Maiwasan ang Teenage Pregnancies sa Lalawigan, Pasado sa Panlalawigang Konseho

Invitation to Bid (July 5, 2023)
June 27, 2023
Invitation to Bid (July 18, 2023)
June 28, 2023

June 27, 2023

Inilatag ang isang resolusyon na nagtatakda ng isang programa sa lalawigan na magsusulong na mabawasan ang paglagananp ng teenage pregnancy sa Lalawigan ng Batangas .

Sa harap ni Batangas Governor DoDo Mandanas, ipineresenta ng Provincial Council for the Protection of Children ang nilalalaman ng Resolusyon Bilang 002, Serye ng 2023, kung saan itinakda ang mga departamemto na siyang mangunguna sa pagsusulong ng information campaign.

Sa oras na magsimula ang kampanya, magiging tagapagpaganap nito ang Batangas Provincial Department of Health Office (PDOHO), Batangas Provincial Health Office, Batangas Provincial Social Welfare and Development Office, Batangas Provincial Information Office at SHARE Inc, bilang kinatawan ng hanay ng mga non-government organizations.

Ayon sa pagsasaliksik ng UP Population Institute, karamihan ng mga batang Pilipino ay limitado ang kaalaman ukol sa sex education at adolescent sexual reproductive health, lalo na sa mga teenagers at mga hindi pa kasal.

Kaugnay nito ang datos ng Commission on Population na nag-ulat na umabot sa 4,318 ang kaso ng teenage pregnancies na naitala sa Lalawigan ng Batangas noong 2020. Sa bilang na ito, ang mga Lungsod ng Batangas, Sto.Tomas at Lipa, at mga Bayan ng San Jose at Nasugbu ang may pinakamataas na bilang ng nagbuntis na mga teenagers.

Sa kanyang pahayag, sumang-ayon ang gobernador sa panukala, at nagbigay ng ilang pagsusog sa naisulat nang mga probisyon ng resolusyon. Kabahagi aniya ito ng kanyang governance agenda kung saan una dito ang Health, na magsusulong sa well-being ng mga kabataan sa lalawigan.

Sa pagpupulong, magkakasamang sinang-ayunan din ang Resolution 003 na pinamagatang “Enjoining Local Government Units to Provide Counselling and Therapy” para sa mga kabataan at kababaihan.
Tinanggap din ng konseho ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Department of Education – Batangas Schools Division bilang mga karagdagang miyembro nito.

Edwin Zabarte / Photos: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.