Ika-9 na taong pagkakatatag ng Bahay Pag-asa ng Batangan, ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan

Renewable Energy, Investment Opportunities, Conservation Tinalakay sa Batangas Energy Summit 2025
March 21, 2025
Batangas Province Events Center, Pinasinayaan Na
March 24, 2025

March 22, 2025

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 9th Founding Anniversary ng Bahay Pag-Asa (BP) ng Batangan noong ika-21 ng Marso 2025 sa Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

May tema itong “Ika-9 na Taon: Magiting na Serbisyo sa Kabataang Batangueño” at naisagawa sa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pangunguna ni Ginang Etheldrida Luistro.

Ang BP ay itinatag alinsunod sa Batas Blg. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, na layuning tulungan ang mga Children in Conflict with the Law (CICL) na magbagong buhay at maging mga responsableng indibidwal. Kumikilos ito upang magsilbing gabay at magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga kabataang lumabag sa batas, pati na rin sa kanilang pamilya at pamayanan, upang mapabuti ang kanilang buhay at muling makapagbalik-loob sa lipunan.

Nagsimula ang pagdiriwang sa isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Leonido “Nonie” Dolor, at sinundan ng mga pagkilala at pasasalamat sa mga stakeholders na patuloy na tumutulong at sumusuporta sa pagsulong ng programa.

Isinagawa rin ang isang talakayan sa mga naging tagumpay ng BP, kung saan binigyan ng pagkakataon ang isang BP client upang magbahagi ng kanyang nakakaantig na kuwento ng tagumpay, pati na rin ang pananaw ng isang magulang ng kliyente at Municipal SWDO. Nagbigay aliw din ang mga BP clients sa mga naging bisita sa pamamagitan ng kanilang mga inihandang intermission numbers.

Nakiisa sa naturang selebrasyon si Governor DoDo Mandanas na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pagkakataon para magbago at magsimulang muli. Dagdag pa ng gobernador, sa pamamagitan ng BP, patuloy ang pagbibigay ng pag-asa sa mga kabataasn sa Lalawigan ng Batangas, kung saan aniya walang maiiwan.

Dumalo rin dito sina Atty. Angelica Chua-Mandanas, AnaKalusugan Congressman Ray Reyes, Batangas Provincial Prosecutor, Atty. Lourdes G. Ramirez-Zapanta, Provincial Health Office Department Head, Dr. Rosalie Masangkay, at mga kinatawan ng ibang tanggapan ng Kapitolyo.

Almira Elaine Baler / 📸 Maccvenn Ocampo | Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.