Renewable Energy, Investment Opportunities, Conservation Tinalakay sa Batangas Energy Summit 2025

Pagpirma ng MOA, oryentasyon para sa Multi-Purpose Rescue Vehicles isinagawa
March 18, 2025
Ika-9 na taong pagkakatatag ng Bahay Pag-asa ng Batangan, ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan
March 22, 2025

March 21, 2025

Ginanap ang Batangas Energy Summit 2025, kung saan nagkasama-sama ang mga kinatawan ng mga pamahalaang lokal, national government agencies, mga kompanya sa sektor ng enerhiya, mga pribadong negosyo, civil society organizations, at academe sa Lalawigan ng Batangas, noong ika-20 ng Marso 2025 sa LIMA Park, Malvar, Batangas.

Ang pagtitipon, na magkatuwang na inorganisa ng Department of Energy, Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, De La Salle University – Manila, at First Gen Corporation ay naglalayong mabalangkas ang nagkakaisang pananaw patungo sa pangmatagalan, ligtas, at abot-kayang suplay ng enerhiya hindi lamang sa lalawigan, ngunit pati na rin sa buong Pilipinas.

Itinampok dito ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya at sektor ng enerhiya sa lalawigan; ang mga polisiyang sumasaklaw sa enerhiya; mga hakbang tungo sa seguridad sa enerhiya, kabilang ang mga inobasyon, estratehiya at solusyon; at mga hinaharap na pagkilos para sa “sustainable energy development” sa buong Batangas.

Naging mga resource persons dito ang mga eksperto at tagapamahala mula sa Department of Energy, pamahalaang panlalawigan, Department of Trade and Industry – Board of Investments, First Gen Corporation, Pi Energy, MERALCO, BATELEC II, at DLSU-Manila, na tinutukan ang mga mahahalagang paksa kabilang ang renewable energy, energy investment opportunities, regeneration with data and analytics, sustainable energy development, at energy-related polices.

Binigyang-diin ni Gov. Hermilando Mandanas na mahalagang mapabuti at mapaunlad pa sa lalawigan ang mga renewable energy resources, kagaya ng solar at wind power projects, upang makatulong sa patuloy na kaunlaran, habang napangangalagaan din ang kalikasan at kapaligiran.

Tinalakay din dito ang kahalagahan ng pagbibigay insentibo sa tuloy-tuloy na renewable energy production sa bahagi ng mga kompanya at investors, at pagtangkilik ng mga consumers o end-users ng mga makabagong teknolohiyang ito.

Aktibong nakiisa sa programa sina Vice Governor Mark Leviste, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Atty. Angelica Chua Mandanas, mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan, at mga kinatawan ng mga pamahalaang lokal at iba’t ibang pribadong kompanya sa lalawigan sa larangan ng enerhiya.

Pinangasiwaan ng Provincial Planning and Development Office ang nasabing summit, na nagtapos sa pananalita ni Professor Alvin Culaba, Direktor ng Center for Engineering and Sustainable Development Research ng DLSU at Vice President ng Philippine National Academy of Science and Technology, na ipinaalala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang “cleaner energy future” sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhunan sa “clean energy investments” at pagbalangkas ng mga polisiya na nagmumula sa magagandang mga ideya.

Vince Altar / Photos: Macven Ocampo – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.