Batangas - Championing One Goal, One Dream, One Team. Nakiisa sina Batangas Gov. Dodo Mandanas at Batangas Province Schools Division Superintendent Dr. Carlito Rocafort sa banal na misa na ginanap para sa Send-Off ng mga atletang Batangueño na lalahok sa 2018 CALABARZON Regional Sports Competitions sa San Pablo City, Laguna. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO
February 8, 2018
Batangas – Championing One Goal, One Dream, One Team. Nakiisa sina Batangas Gov. Dodo Mandanas at Batangas Province Schools Division Superintendent Dr. Carlito Rocafort sa banal na misa na ginanap para sa Send-Off ng mga atletang Batangueño na lalahok sa 2018 CALABARZON Regional Sports Competitions sa San Pablo City, Laguna. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Personal na dumalo si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa Send-off Program na ginanap sa Batangas Provincial Sports Complex, Batangas City noong ika-8 ng Pebrero 2018 para sa mga estudyanteng atletang Batangueño na makikipagtagisan ng galing, bilis at lakas sa 2018 CALABARZON Regional Sports Competitions.
Ginagabayan ng temang “Championing One Goal, One Dream, One Team,” pinasimulan ang palatuntunan ng isang banal na misa para sa matagumpay at ligtas na kampanya ng mga kabataang Batangueno sa nasabing palaro. Ibinigay din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang meal and training allowance ng mga manlalaro.
Ipinaalala naman ng ama ng lalawigan sa mga kabataang manlalaro mula sa mga Department of Education Divisions ng Batangas City, Lipa City, Tanauan City at Batangas Province na magtiwala sa kanilang angking kakayanan, na kasama ang maayos na pagsasanay at gabay ng Diyos, ay magdadala sa kanila sa tagumpay sa taunang paligsahan ng mga atleta mula sa mga lalawigan ng Southern Tagalog.
Ang Lungsod ng San Pablo, Laguna ang host ng 2018 Regional Sports Competitions, na dating kilala bilang Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association o STCAA, na idaraos mula Pebrero 11-17, 2018. Vince Altar – Batangas Capitol PIO