Gov. DoDo, Nakiisa sa Artificial Intelligence Summit

Supplemental / Bid Bulletin No. 1 – Revised TOR for Project 2 (May 25, 2023 Bidding)
May 10, 2023
Supplemental / Bid Bulletin No. 1 (Revised TOR for Infrastructure Project)
May 12, 2023

May 12, 2023

Dumalo at nakiisa si Batangas Governor DoDo Mandanas sa paglulunsad ng kauna-unahang Artificial Intelligence (AI) Summit ng Aboitiz Data Innovation (ADI) na ginanap sa Pasay City noong ika-10 ng Mayo 2023.
Si Gov. Mandanas ay isa sa mga naimbitahan na maging panauhing tagapagsalita, kasama ang iba pang mga kilalang lider at eksperto sa larangan ng data science at AI.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng gobernador ang ilan sa mga naipaganap nang mga inisyatibo sa gabay ng kaniyang HELP program, tulad ng pagtatayo ng HELP Information Management (HIM) Center, pagbibigay ng mga makabagong kagamitan para sa pagtugon sa kalamidad at sakuna, digitalization at automation ng mga serbisyong nauukol sa finance, property taxation and assessment, at health care.

Binigyang-diin din ni Gov. Mandanas kung paano binabago ng nagpapatuloy pa ring pandemya ng COVID-19 ang mga pamamaraan sa pagtatrabaho, na isang dahilan aniya para umangkop at mabilis na tumugon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na baguhin ang paghahatid ng serbisyo publiko nito sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya para mapabuti ang workflow o proseso ng trabaho.

Dagdag pa ng gobernador na ang paggamit ng AI ay maaaring maging daan upang makapagbago at makapagbigay ng mabilis at dekalidad na serbisyo sa mga tao, maging ito man ay sa larangan ng kalusugan, edukasyon, kabuhayan, pangangalaga sa kapaligiran, turismo, agrikultura, o iba pang aspeto sa pag-unlad.

Itinampok din sa nasabing kaganapan ang isang panel discussion na nakatuon sa paksa ng pagkilala at pagtukoy sa mga tinatawag na smart cities of the future sa Pilipinas, kung saan aktibong lumahok din dito si Governor Mandanas.

Ang AI Summit Philippines 2023 ay isang 2-day event na inorganisa ng Aboitiz Data Innovation sa pakikipagtulungan ng Union Bank of the Philippines at Aboitiz Equity Ventures. Layunin ng summit na talakayin ang mga kasalukuyang trend, mga kaakibat na hamon at problema, at mga oportunidad pagdating sa usapin ng artificial intelligence.

Mark Jonathan Macaraig / Photos: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.