Face of Tourism 2017 Runner-Ups, Hinarap si Batangas Gov. Dodo Mandanas

Australian Ambassador to the Philippines, Bumisita Sa Probinsya ng Batangas
August 15, 2017
Notice of Vacant Positions
August 16, 2017

August 15, 2017

Ipineresenta ang dalawang naggagandahang Batangueña sa harap ni Gov. Dodo Mandanas noong ika-11 ng Agosto 2017 sa Office of the Provincial Governor, Batangas Provincial Capitol, Batangas City.

Kapwa runners-up ang mga binibini sa katatapos lang na FACE OF TOURISM 2017 pageant sa SMX Convention Center, MOA Complex, Pasay City.

Pormal na ipinakilala sina Alyssa Joreen Reyes ng Lemery, Batangas at Glayzelle Ramos ng Rosario, Batangas kasama ang grupong National Association of Independent Travel Agencies Batangas Chapter Inc. (NAITAS) na naglalayong palakasin at tuklasin pa ang mga tourist spots ng Lalawigan ng Batangas.

Ang NAITAS Batangas Chapter Inc. ay isang samahan ng mga travel agencies na nagnanais na i-promote o i-market ang Pilipinas, partikular na ang lalawigan ng Batangas para maging world-class tourism and meetings, incentives, conferences and events (MICE) destination.

Kasama ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office sa pangunguna ni Department Head, Atty. Sylvia Marasigan, lilibutin ng nasabing grupo ang buong lalawigan upang maiangat ang antas ng turismo gayundin ang pagtuklas pa sa mga lugar na hindi pa naabot ng mga turista.

Labis namang ikinatuwa ni Gov. Mandanas ang layunin ng grupo sapagkat isa na din itong paraan upang makilala pa ang lalawigan sa larangan ng turismo sa bansa. Inihayag pa ng gobernador na idagdag ang Montemaria Shrine sa Brgy. Pagkilatan, Batangas City sapagkat nakaharap ito sa Verde Island Passage, na sentro ng marine biodiversity sa buong mundo. Jhay Jhay Pascua – PIO Batangas Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.