Bird Flu Training Workshop para sa Provincial Avian Influenza Task Force, Isinagawa

Batangas Province Blood Council Art Contest, Tagumpay
October 13, 2017
Public Auction of Tax Delinquent Real Properties
October 20, 2017

October 20, 2017

Inilatag ng Provincial Veterinary Office ang kaukulang training workshop para sa mga kasapi ng Provincial Avian Influenza Task Force  noong ika-10 at 11 ng Oktubre 2017 sa Southern Tagalog  Integrated Agricultural  Reseach Center sa Lungsod ng Lipa.

Kabilang sa mga napili at inatasang dumalo sa pagsasanay ang mga Municipal Agriculture Officers,  mga opisyales ng Batangas PNP,  mga kinatawan at stakeholders ng livestock and poultry industries sa lalawigan  at 60 miyembro ng binuong Avian Influenza Provincial Task Force.

Tinalakay sa pagsasanay  ang  mabilisan at epektibong paghahanda  ng Avian Influenza Preparedness Plan, pagtatalaga na mga miyembro na tututok sa risk and crisis communication sa oras na dumating ang avian influenza  o Bird Flu at  ganun na rin ang mga operational procedures na ipatutupad sa pagsasagawa ng mass depopulation ng mga manok upang maiwasan ang malawakang pagkalat nito sa oras na ito ay tumama sa Lalawigan ng Batangas.

Isinagawa din sa pagasasanay ang review ng status and overview ng Avian Influenza  situation sa bansa, at pagsasa-ilalim sa mga napiling kalahok sa table top simulation and risk crisis management workshop.

Ang pagsasanay  ay  pinangunahan ng mga opisyal ng Provincial Veterinary office e na pinamumunuan ni Dr. Romelito Marasigan, Provincial Veterinarian, Dra. Irenea manuel,  Dr, Ronnie Domingo, Dra. Annierica Lajarca, Dra. Gloria Salazar, Dr. Samuel Castro at Dr. Bong Bucad.

Ayon sa mga opisyal ng ProVet, ang pagsasanay na ito ay napapanahon at lubos na kailangan upang masiguro na ang  unang hakbang upang mapigilan ang bird flu ay agarang  maisakatuparan  sa oras na ito ay tumama saan mang parte ng bansa at masiguro na hindi ito makarating sa lalawigan.

Matatandaan na noong buwan ng Agosto 2017, nagkaroon ng bird flu outbreak  sa mga  lalawigan na nasa northern at central Luzon, daan upang magpalabas ang lalawigan  ng Avian Influenza  Provincial Advisory No. 17-001 na nilagdaan ni Batangas Governor Dodo Mandanas  na nagtatakda  ng  mga alituntunin at regulasyon  upang maprotektahan  ang livestock industry ng Batangas. / Batangas Capitol PIO -Edwin V. Zabarte

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.