December 5, 2023
Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), ang dalawa sa Marine Protected Areas (MPA) sa lalawigan na kapwa kinilala sa Search for the 2023 Outstanding Locally-Managed Marine Protected Areas (MPA) in the Philippines na inorganisa ng MPA Support Network.
Iginawad ni Governor Hermilando Mandanas ang Plaque of Recognition sa Malabrigo Fish Sanctuary and Refuge ng Brgy. Malabrigo, Lobo, at Kayreyna Marine Protected Area ng Brgy. Lumaniag, Lian kasabay ng isinagawang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas ng Kapitolyo noong ika-4 ng Disyembre 2023 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.
Kabilang ang Kayreyna Marine Protected Area sa mga shortlisted para sa Para el MAR Awards, habang naging finalist naman ang Malabrigo Fish Sanctuary and Refuge.
Ang gawad ay tinanggap nina Lobo OIC Municipal Agriculturist, Dr. Dyesebel Andaya, Aquaculturist Christopher Bautista, Malabrigo Fisherfolks Association President Sonny Badal, at mga miyembro na sina Roilan Arguelles at Jethro Castillo.
Samantala, binigyan din ng pagkilala ang Lungsod ng Lipa para sa pagtanggap ng Special Mention ng kanilang “Trash to Cash Programme” sa 17th Award Best Practice in Citizen Participation of the International Observatory Participatory Democracy noong ika-7 ng Nobyembre sa Rio de Janeiro, Brazil.
Jayne Ylagan – Batangas Capitol PIO / Photos by Junjun Hara De Chavez