Batangueño Bantay Dagat Volunteers sa 15 Coastal LGUs ng Lalawigan, Nasa 433 Na

Amyenda, Pagbabago sa Taal Volcano Contingency Plan ng Batangas Province, Aprobado ng PDRRMC
October 8, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF 700 UNITS OF OXYGEN TANK WITH CONTENT AND COMPLETE ACESSORIES (OXYGEN REGULATOR AND OXYGEN CANNULA) FOR USE OF COVID PATIENTS IN DISTRICT HOSPITALS AND DISTRICT I-IV OF THE PROVINCE OF BATANGAS
October 13, 2021

October 9, 2021

May kabuuang 433 na mga boluntaryong miyembro ang mga samahan ng Bantay Dagat mula sa 15 na coastal local government units sa Lalawigan ng Batangas, sa kasalukuyan, na magkakatulong na nagpapatrolya at kumikilos sa mga dalampasigan at karagatan laban sa mga iligal na gawain.

Ito ang iniulat ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), na ibinahaging ang mga Bantay Dagat volunteers ay buong puso at tapang na naglilingkod, dala ang hindi matatawarang galing at dedikasyon bilang sandata upang mapangalagaan ang mga marine protected areas o MPAs at maprotektahan ang buong tubig-munisipal laban sa mga mapanirang gawain, sa kabila ng mga panganib at posibleng banta sa kanilang buhay.

Kaagapay ang mga ito ng kani-kanilang bayan, sa pangunguna ng mga local chief executives, sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Offices at Municipal Environment and Natural Resources Offices, at mga enforcement agencies, tulad ng Philippine National Police (PNP), PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Office, sa pagpapatupad ng pangangalaga sa karagatan sakop ng lalawigan, gayun din ang buong Verde Island Passage.

Patuloy namang nagsisikap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng PGENRO, na mabigyan ng mga kinakailangan ayuda at insentibo ang mga Bantay Dagat, tulad ng medical at burial assistance, life and accident insurance benefits, mahahalagang gamit sa pagpapatrolya, at ang kanilang Bantay Dagat official identification cards, na nilagdaan ng kanilang punong bayan at ni Gov. Mandanas at ginagamit habang nagsasagawa ng mga patrolya.

Katuwang ng PGENRO sa pagpapaabot ng mga nasabing tulong at suporta ang Provincial Social Welfare and Development Office at iba’t ibang mga non-government organization partners, kabilang ang First Gen Corporation, Malampaya Foundation Inc. at Conservation International-Philippines.

PGENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.