Batangas Province, Kinilala sa Malaria-Free Regional Celebration and Awarding

Supplemental Bid Bulletin No. 2 (Revision of TOR for Project No. 2)
April 11, 2023
Invitation to Submit Quotation – Repair and Maintenance of RP Service Vehicle (PSWDO)
April 18, 2023

April 17, 2023

Pinangunahan ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario S. Vergere ang pagbibigay pagkilala sa mga lalawigan ng CALABARZON at mga lokal na pamahalaan nito, kabilang ang Batangas Province, na matagumpay na nakamit ang Malaria Free Status sa Malaria-Free Regional Celebration and Awarding Ceremony na ginanap sa Novotel Hotel sa Araneta Center, Quezon City.

Pinasalamatan ng kalihim ang lahat ng nakabalikat ng DOH na Malaria Coordinators mula sa mga local government units sa rehiyon. Para kay Vergiere, ang epektibong polisiya at mga programang pang-kalusugan ang naging susi para labanan ang malaria at makamit ng Region IVA ang estadong Malaria Free Region ngayong 2023.

Sa pagtatagumpay aniya ng CALABARZON, ipagpapatuloy ng DOH ang mga nasimulan nitong aksyon at polisya tungo sa pagsusulong ng Malaria Free Philippines by 2030.

Naging tampok sa programa ang pagpapamalas ng simbolikong pagkakaisa ng mga health sector leaders sa CALABARZON na lumagda sa Pledge of Commitment para sa malaria elimination sa bansa.

Sa hanay ng lalawigan, binigyang-pagkilala ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagtatag nito ng Malaria Elimination Hub at pagpapasa ng lokal na batas upang suportahan at mapanatili ang nasabing programa. Iniakda ni 2nd District Board Member Arlene Magboo ang “An Ordinance Providing for the Prevention, Control, Reduction and Mitigation of Vector-Borne Diseases in the Province of Batangas, and Other Purpose.”

Best in Online Malaria Information System (OLMIS) implementation ang Lalawigan ng Batangas, kasama ang pakikilahok nito sa sustainability planning.

Ginawaran din ng rekognisyon ang epektibong implementasyon ng Malaria Quality Assurance System ng Batangas Provincial Health Office, Tanauan City Health Office, Batangas Medical Center, Batangas Provincial Hospital, Mary Mediatrix Medical Center at Municipality of San Juan Health Office, Laurel Memorial District Hospital. Ang Batangas Provincial Department of Health naman ay kinilala sa patuloy nitong pagbibigay ng suporta at technical assistance sa mga pamahalaang lokal.

Ang okasyon ay may temang “Sulong CALABARZON, Sulong Kalusugan! Innovate, Invest, Implement for a Healthy and Malaria-Free Communities.”

Edwin Zabarte / Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.