Batangas Gov. DoDo, Nakiisa sa Panawagan para sa Isang Malinis, Payapa at Tapat na Halalan

Invitation to Submit Quotation – Shopping (February 17, 2022)
February 17, 2022
Consolidated Procurement Monitoring Report (Jan. to Dec. 2021)
February 21, 2022

February 18, 2022

Buong sigasig na nagpakita ng pakikiisa si Batangas Governor DoDo Mandanas sa isinagawang paglulunsad ng Safe National and Local Elections (SAFE NLE) 2022 campaign sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), Camp General Miguel Malvar sa Lungsod ng Batangas ngayong araw ika-18 ng Pebrero 2022.

Tampok sa nasabing aktibidad ang pagsasama-sama ng iba’t-ibang sektor ng komunidad sa layunin na maipaganap sa Lalawigan ng Batangas, sa darating na halalan sa Mayo 2022, ang intensive security measures, na nasa ilalim o gabay ng inisyatibong programa ng pamahalaang nasyunal na “Secure, Accurate, Free, and Fair National and Local Elections (S.A.F.E NLE).”

Ang programa rin ang naging sentro ng pagkakabuo ng “Kasimbayanan” o Kawani, Simbahan, at Pamayanan, na binubuo ng mga miyembro ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Commission on Elections (COMELEC), mga opisyal ng gobyerno, church leaders, at community leaders.

Bilang muling nagnanais na mahalal sa kaniyang ikatlong termino, ang kasalukuyang punong lalawigan na si Governor Mandanas ay naging bahagi ng paglagda sa Pledge of Commitment, na sumisimbolo sa maalab na pagbibigay-suporta na mapangalagaan ang electoral process o mapanatili ang kredibilidad at integridad ng halalan.

Bukod dito, aktibo ring nakilahok si Gov. Mandanas sa idinaos na pagsindi ng SAFE candles at pagpapalipad ng mga puting lobo, na naging hudyat naman ng panawagan para sa isang malinis, payapa, at tapat na halalan.

Ayon kay Governor DoDo Mandanas, katuwang ng bawat ahensya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas upang mas mapaigting pa ang pagtutulungan ng bawat pamayanan sa ngalan aniya ng iisang hangarin.

Samantala, ilan pa sa mga inilaang aktibidad para sa naturang pagtitipon ay ang briefing presentation ng COMELEC para sa mga kandidato ngayong darating na eleksyon at Joint Security Control Center meeting, na naglatag ng security preparation para mabawasan o maiwasan ang election-related crimes ngayong taon.

Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.