Agrikultura, Turismo, Tampok na Paksa sa Public Hearing sa Sangguniang Panlalawigan

Notice of Award – Purchase of Drugs and Medicines (Mefenamic Acid 500mg, 100’s, Paracetamol + Phenylpropanolamine + Chlorphenamine tablet, 100’s, etc.) for the continuous health program against COVID-19
June 22, 2022
Supplemental Bid Bulletin No. 2
June 23, 2022

June 23, 2022

Isang pampublikong pagpupulong ang isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas ukol sa Provincial Development & Physical Framework Plan (PDPFP) 2022-2030 sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-21 ng Hunyo 2022.

Isinagawa ang pagpupulong sa pamamagitan ng Committee on Housing and Land Utilization, na pinangungunahan ni 1st District Board Member at committee vice chairperson Carlo Roman “Junjun” Rosales, at dinaluhan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), mga kinatawan ng mga local government units, at iba’t ibang pribado at pampublikong ahensya sa lalawigan.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga sector na kinakailangang pagtuunan ng pansin, partikular ang agrikultura at turismo sa lalawigan, na naapektuhan ng malaki ng pandemya.

Nagbigay ng mga rekomendasyon ang mga kinatawan ng mga dumalong ahensya at tanggapan, kabilang ang Office of the Provincial Agriculturist, Provincial Government Environment and Natural Resources Office, Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office, at Technical Education and Skills Development Authority, upang mapataas pa ang antas ng ekonomiya at matugunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang sektor sa lalawigan.

Binigyang-diin naman ni 5th District Board Member Arthur Blanco, na kinikilala bilang isa sa mga tagapagsulong ng agrikultura sa lalawigan, ang importansya ng pagkakaroon ng mga magagandang programa para sa sektor ng agrikultura, kabilang dito ang wastong paggamit ng mga nakatiwangwang na lupa, pagpapagawa ng mga kalsada upang mapadali ang transportasyon ng mga produkto, at pagbibigay ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan sa mga magsasakang Batangueño.

Magkatuwang ang SP at ang ehekutibo, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, sa pagpapalawig ng mga programa ukol sa tuloy-tuloy na pagsulong ng ekonomiya ng lalawigan.

Babylyn Coz-Paña & Janssen S. Olimba / Photos: Armando De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.