Admiral Abu, Lt. Gen. Abu Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

Invitation to Bid – Infrastructure Project (August 30, 2022)
August 4, 2022
Disability Data Management System Project in Batangas Province Receives Support from International Labor Organization
August 10, 2022

August 9, 2022

“Tunay na walang pag-aalinlangang ipinagmamalaki ng ating minamahal na Lalawigan ng Batangas, at mga yaman na maituturing, ang mga huwaran na nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipinong – Batangueño.”

Ito ang naging mensahe ni Governor DoDo Mandanas nang bigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sina Coast Guard Admiral Artemio Abu ng Philippine Coast Guard (PCG) at Police Lieutenant General Manuel Abu ng Philippine National Police (PNP) bilang mga Batangueñong makabagong bayani sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-8 ng Agosto 2022.

Ipinamalas ni Admiral Abu, ang kasalukuyang PCG Commandant, ang pinakamataas na posisyon sa nasabing sangay ng Hukbong Sandataan ng Pilipinas, ang kanyang dedikasyon sa kanyang tungkulin simula pa nang sumabog ang Bulkang Taal noong 2020, sa pamamagitan ng kanilang tuloy-tuloy na serbisyo publiko tungo sa kaligtasan ng mga apektadong komunidad at naninirahan dito.

Si Police Lieutenant General Abu naman, ang kasalukuyang PNP Chief of Directorial Staff, ang ika-4 na pinakamataas na posisyon sa kapulisan, ay kinilala rin sa mga magaganda nitong nagawa at naging programa sa kanyang pagsisilbi bilang PNP chief sa iba’t ibang lugar sa bansa, kabilang ang pagiging PNP Area Commander ng Eastern Mindanao at PNP Regional Director ng Bangsamoro Autonomous Region.

Jayne Elarmo / Photos: Junjun De Chavez Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.