Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan, Naglahad ng Mid-year Accomplishments

Batangueña 2018 WCOPA Champ, Binigyang Pagkilala
August 20, 2018
Batangueña Little League World Series Champions, Kinilala
August 20, 2018

August 20, 2018

Kaugnay ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na magkaroon ng maayos at malusog na pangangatawan ang bawat Batangueño, naglahad ng mid-year accomplishment report ang Provincial Health Office na pinangangasiwaan ni Dr. Rosvilinda M. Ozaeta noong nakaraang August 20, 2018 sa Provincial Auditorium, Batangas City.

Ang PHO ay isa sa may pinakamaraming empleyado sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na bumibilang sa humigit 844.

Kabahagi ng tanggapan ang 12 pagamutan na nasa pangangasiwa ng pamahalaang panlalawigan na nasa iba’t ibang parte ng lalawigan. Dahil na rin sa pagnanasa na mas maging epektibo ang sistema para sa kalusugan, pinaglaanan ng pansin ng tanggapan ang mga gamot at kagamitan para sa mga ospital at laboratory na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng consignment system para masigurong bago at tuloy-tuloy ang pagdating ng iba’t ibang medical supplies and equipments.

Katuwang din ng PHO ang Department of Health at iba pang ahensya ng pamahalaang nasyunal sa service delivery network, National Immunization Program, Programa ng Nutrisyon, National Tuberculosis Program, Prevention and Control of Vector-bone Disease, Philippine Integrated Disease Surveillance and Response at Oral Health Program.

Samantala, binigyang pasalamat naman ni Governor Dodo I. Mandanas si Dra. Ozaeta sa pagsisikap nitong mas mapaganda pa ang serbisyo at kalidad ng health services na ibinibigay sa mga mamayang Batangueño. Inaasahang sa darating na mga taon, mas matataasan pa ang budget para sa health, na isa sa mga pangunahing prayoridad ng Mandanas Administration, sa tulong ng paglaki ng Internal Revenue Allotment o IRA ng mga Local Government Units. – Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.