Batangueña 2018 WCOPA Champ, Binigyang Pagkilala

Gov. Dodo, Naging IRA Resource Person ng mga LGU Councils
August 16, 2018
Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan, Naglahad ng Mid-year Accomplishments
August 20, 2018

Galing at Talento ng Batangueña, World Class! Muling namayagpag ang husay at kahanga-hangang talento ng Batangueña sa katauhan ng 10-taong gulang na si Roshan Jill T. Borbon matapos siyang itanghal bilang Champion of the World – Division Winner sa kategorya ng Junior Modelling at humakot ng medalya sa larangan ng pagmomodelo at pag-awit sa nakaraang 22nd World Championship of Performing Arts (WCOPA) noong July 6-14, 2018 sa Long Beach, California, USA. Kasama sa larawan sina Gov. Dodo Mandanas, Vice Governor Nas Ona, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Provincial Administrator Levi Dimaunahan. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Jhay Jhay B. Pascua – Batangas Capitol PIO

Bilang pagbibigay-pugay sa karangalang inihatid sa Lalawigan ng Batangas, ginawaran ng Certificate of Recognition si Roshan Jill T. Borbon na namayagpag at humakot ng iba’t-ibang parangal sa larangan ng Modelling and Singing sa nakaraang 22nd World Championship of Performing Arts (WCOPA) na idinaos sa Long Beach, California, USA noong ika-6 hanggang 14 ng Hulyo 2018 at nilahukan ng 63 na bansa.

Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika-20 ng Agosto 2018, personal na iginawad ni Gov. Dodo Mandanas, kasama sina Vice Governor Nas Ona, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan, ang parangal sa 10-taong gulang na mula sa Lungsod ng Tanauan para sa kanyang ipinamalas na galing sa larangan ng performing arts.

Nakuha ni Borbon ang pinakamataas na parangal bilang Champion of the World – Division Winner sa kategorya ng Junior Modelling.

Nagkamit din si Borbon ng Silver Medal para sa Junior Modelling; Silver Medal para sa Vocal Open at Vocal World category; at Gold Medal bilang Model Grand Finalist.

Binigyan pagkilala rin si Borbon sa inihaing Resolusyon nina 3rd District Board Members Alfredo C. Corona at Divina G. Balba na naaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa ginanap na 27th Regular Session noong ika-13 ng Agosto.

Nakasaad sa resolusyon na makakatanggap ito ng cash incentive mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas alinsunod sa Provincial No. 005 Year 2016 na may titulong Incentive to Batangueño Achievers.

Ang World Championship of Performing Arts o WCOPA ay isang natatangi at prestihiyosong paligsahan na ikinokonsiderang Olympics ng Peforming Arts. Dito ay taon-taong nagsasama-sama ang mga singers, musicians, dancers, variety artists, actors at models na naghahangad makilala, maipakita ang husay at talento at makapag-uwi ng karangalan para sa kani-kanilang bansa. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.