Batangueña Little League World Series Champions, Kinilala

Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan, Naglahad ng Mid-year Accomplishments
August 20, 2018
Mga programa ng Mandanas Administration para sa Edukasyon, Tinalakay
August 23, 2018

Batangueña World Series Champs. Buong pagmamalaking binati ni Gov. Dodo Mandanas ang mga softball players mula sa Lungsod ng Tanauan na nag-champion sa 2018 Senior League Softball World Series noong ika-31 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto 2018 na ginanap sa Bruce Layton Field ng Lower Sussex, Delaware, USA. Tinalo ng koponan ng Pilipinas ang Texas District 9 Little League team ng Waco, Texas sa score na 7-0 upang iuwi ang kampeonato sa international softball competition, na nilahokan ng 10 teams mula sa Europe, Africa, Latin America, at Canada, USA at Asia Pacific. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO

August 20, 2018

Batangueña World Series Champs. Buong pagmamalaking binati ni Gov. Dodo Mandanas ang mga softball players mula sa Lungsod ng Tanauan na nag-champion sa 2018 Senior League Softball World Series noong ika-31 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto 2018 na ginanap sa Bruce Layton Field ng Lower Sussex, Delaware, USA. Tinalo ng koponan ng Pilipinas ang Texas District 9 Little League team ng Waco, Texas sa score na 7-0 upang iuwi ang kampeonato sa international softball competition, na nilahokan ng 10 teams mula sa Europe, Africa, Latin America, at Canada, USA at Asia Pacific. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Binigyan parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Tanauan Little League Girls 16 and Under Softball team sa kanilang pagiging kampeon sa 2018 Senior League Softball World Series noong ika-31 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto 2018 na ginanap sa Bruce Layton Field ng Lower Sussex, Delaware, USA.

Tinalo ng koponan ng Pilipinas ang Texas District 9 Little League team ng Waco, Texas sa score na 7-0 upang iuwi ang kampeonato sa international softball competition, na nilahokan ng 10 teams mula sa Europe, Africa, Latin America, at Canada, USA at Asia Pacific.

Binigyang pagkilala ni Gov. Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang kanilang dedikasyon sa sports ng Softball noong ika-20 ng Agosto 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Pinamunuan ni 3rd District Board Members Fred Corona at Divina Balba, na kapwa tubong Tanauan City, ang pagpasa ng Resolution No. 520 Year 2018 na kumikilala sa galing ng mga world Class Tanauan Athletes sa sport na softball.

Makasaysayan ang pagiging kampeon ng Tanauan City Little League dahil ito ang unang pagkakataong ang representante mula sa Pilipinas at Asia Pacific ang nagkampeon sa Girls’ 16 and Under Division. – Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.