Pederasyon ng mga may Kapansanan ng Lalawigan ng Batangas, Nagsagawa ng Fund Raising Activity

PWD Presidents ng Lalawigan ng Batangas, Dadalo sa Isang Annual Summit
February 14, 2018
Buwanang Premium Contribution sa PhilHealth ng mga Employed Sector, Tumaas
February 19, 2018

February 14, 2018

Isang Raffle draw ang isinagawa ng Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. (FPDPBI) bilang bahagi ng kanilang kauna-unahang fund raising activity sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) noong ika-14 ng Pebrero, 2018 sa PSWDO Conference Room, Capitol Site, Batangas City.

Dinaluhan ang nasabing Raffle draw ng mga Presidente ng samahan ng mga may kapansanan ng iba’t ibang munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni PWD Provincial Federation President, Mr. Nelson Adante.

Bawat pangulo ng samahan ay binigyan ng 20 ticket booklets na ipinagbili nila sa kani-kanilang bayan. Ang isang ticket ay nagkakahalaga ng P50 pesos. Ang premyo na natanggap ng mga masuwerteng nabunot ay E-Bike para sa 1st prize; 40” flat screen TV bilang 2nd prize; 2 Door Refrigerator para sa 3rd Prize; at 10 conselation prizes na nagkakahalaga ng isang libong piso.

Ayon kay Mr. Adante, layunin ng kanilang naturang aktibidad na makatulong sa kapwa nila may kapansanan. Ang kinita sa raffle, na inaasahang aabot sa 200 libong piso, ay ibibigay sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng puhunan para makapagtayo ng sariling kabuhayan. Pagkatapos ng anim na buwan ay inaasahang maibabalik ang naging puhunan para maipahiram muli sa iba.  Maglalaan din ng pondo para sa educational assistance ng mga may kapansanan at kanilang mga anak. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.