Buwanang Premium Contribution sa PhilHealth ng mga Employed Sector, Tumaas

Pederasyon ng mga may Kapansanan ng Lalawigan ng Batangas, Nagsagawa ng Fund Raising Activity
February 14, 2018
Region IV-A Convergence Program ng DTI at DPWH, Tinalakay
February 19, 2018

February 19, 2018

Ipinaliwanag ni Ms. Agnes Delos Reyes, Social Insurance Officer III ng PhilHealth Region IV-B sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ang pagtaas ng buwanang premium contribution ng mga empleyado sa Government Service Sector   noong ika-19 ng Pebrero 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Sa mensahe ni Gov. Dodo Mandanas, pinasalamatan niya ang PhilHealth sa pagbabahagi ng napakahalagang impormasyon na may kinalaman sa insurance para sa kalusugan ng mamamayang Batangueño.  Binigyang-diin din niya na nangunguna sa programa ng kanyang administrasyon ang pagpapalakas ng mga proyekto na nakatuon sa kalusugan para sa lahat.

Tumaas  sa 2.75% ang ibinabawas na kaltas sa buwanang sahod ng mga empleyado na nagsisimula sa 10 libong piso hanggang 40 libong piso, kung saan pantay na paghahatian ng empleyado at employer ang ibabayad na kontribusyon sa naturang healthcare insurance company.

Ang pagtataas na ito ay may kaugnayan sa PhilHealth Circular No. 2017-0024 na may titulong “Adjustment in the Premium Contributions of the Employed Sector to Sustain the National Health Insurance Program (NHIP),” na epektibo na simula noong Enero 2018.

Base sa naging halimbawa na komputasyon ng pormal na sektor, lahat ng mga may Monthly Basic Salary na nagkakahalaga ng P10 libong piso pababa ay may monthly premium na P275, samantalang ang mga sumasahod naman ng P10,000.01 hanggang P39,999.99 ay may P275 hanggang P1,099.99 at ang mga kumikita naman ng P40,000 pataas ay may P1,100 na monthly premium.  Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.