PWD Presidents ng Lalawigan ng Batangas, Dadalo sa Isang Annual Summit

1 Billion Rising Revolution, Isinagawa ng COMELEC
February 14, 2018
Pederasyon ng mga may Kapansanan ng Lalawigan ng Batangas, Nagsagawa ng Fund Raising Activity
February 14, 2018

February 14, 2018

Isang annual summit ang inorganisa ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Field Office-CALABARZON para sa mga City at Municipal Federation Presidents ng Persons with Disability (PWD) ng Lalawigan ng Batangas na gaganapin sa darating na Pebrero 21 hanggang 23, 2018 sa Bayview Park Hotel, Manila.

Ang 3-day activity ay naglalayong patuloy na pataasin ang kamalayan ng sector sa kanilang mga karapatan at upang suportahan ang pagsasama-sama ng mga programa ng kinauukulang ahensya para sa kapakanan ng mga taong may kapansanan. Kabilang na dito ang tungkol sa employment, accessibility, health and self-care at social protection.

Isa sa mga dadalo ay ang President ng Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. (FPDPBI) na si Mr. Nelson R. Adante, Pangulo ng PWD Association ng bayan ng Bauan at empleyado ng Batangas Provincial Information Office.

Hinihingan ang bawat focal person o ang mga Provincial Persons with Disability (PWD) president ng presentasyon ng kanilang accomplishment report at good practices for 2017. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.