Kabalikat ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa patuloy na pagtulong ng Alay Lakad Foundation Inc. (ALFI) sa kabataang Batangueño. Ipinakilala ni Governor Hermilando I. Mandanas sina Vice Governor Nas Ona, 2nd District Board Member Arlina Magboo at 6th District Board Member Weng Sombrano-Africa bilang mga kinatawan ng Sanggunian para sa kanilang pledge na nagkakahalagang PhP 400,000.00. Buong puso naman tinanggap ni ALFI President Dr. Carlito Rocafort ang tseke na dadagdag sa contributions at pledges mula sa mga lumahok sa 44th Walk for a Cause. Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol