Suporta para sa Alay Lakad 2016, umapaw mula sa libo-libong dumalo

Provincial Alay Lakad (Expect Heavy Traffic)
September 1, 2016
Ambag ng Sanggunian
September 2, 2016

Ipinakita ng libo-libong Batangueño ang kanilang suporta para sa 44th Walk for a Cause nang sama-sama silang lumakad Batangas Provincial Sports Complex sa Batangas City noong ika-2 ng Septyembre 2016.

Sa temang “Bawat Hakbang: Tagumpay at Pagbabago ng Kabataang Batangueño,” magkakasamang lumakad para makiisa ang mga guro mula sa Department of Education, estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo, opisyales at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan.

Bilang honorary chairperson ng Alay Lakad Foundation Inc. (ALFI), pinangunahan ni Governor Hermilando I. Mandanas ang nasabing aktibidad, kasama din ang guest speaker na si 2nd District Representative Raneo Abu at guest artist Ahron Villena.

Mula Provincial Veterinary Office at Philippine Ports Authority, magkasabay na naglakad ang mga delegasyon patungo sa Provincial Sports Complex para ganapin ang pormal na programa, kung saan, bahagi nito, ay ipinamalas ang angking talento ng kabataang Batangueño mula sa Batangas Provincial High School for Culture and Arts, Batangas State University at University of Batangas.

Ipinakilala din sa mga nagsipagdalo ang Miss ALFI candidates, na ang naging batayan sa pagpili ng panalo ay ang laki ng kontribusyong iniamabag ng kanilang delegasyon. Tampok din sa programa ang pagpapasalamat ni Bb. Kimberly Aldan, isang ALFI scholar, na nagtapos bilang Magna Cum Laude sa BSU at ngayon ay ganap nang isang guro. Naghandog siya ng isang madamdaming tula para ipakita ang naging pagbabago sa kanyang buhay dahil sa bawat hakbang at bawat pisong ambag sa Alay Lakad.

Nakapaloob naman sa naging pananalita ni Governor Mandanas ang kanyang pagsaludo sa suportang ipinakita sa Alay Lakad. Dagdag pa niya na hinangad niya ang mas lalo pang pagdami ng mga natutulungan, mula isang libong iskolar hanggang sa magkaroon ng dalawampung libong iskolar sa taong 2018.

Ipinagmalaki din ni Gov. Mandanas na “Batangas is the most powerful province in the country” at “Batangas fuels the nation”. Patunay dito ay ang pag-supply ng 60% na kuryente sa Kamaynilaan at pagiging source ng fuel sa bansa.

Dagdag dito ay ang pag-anunsyo niya ng official hashtag ng lalawigan na “#RichinBatangas” dahil sa sinabi niyang, “If you want to become rich, come to Batangas.” Ito ay kaugnay sa kayamanang taglay ng Batangas sa larangan ng kalikasan, kultura, kasaysayan at ekonomiya. Kailangan lang umano ng kaunting promotion ito.

Ang testimonyang ito ni Governor Mandanas ang nagpapatunay na dapat malaki ang kontribusyon ng lalawigan sa edukasyon, upang tunay na maisabuhay ang katagang “Taas noo Batangueño kahit kanino.”

Sa pagtatapos ng programa ay binigyang parangal sina Congressman Abu, Ahron Villena at ang mga naging bahagi ng nakaraang ALFI. Kabilang din sa mga tumanggap ng award ang delegasyon ng Boy Scouts of the Philippines bilang Most Disciplined Delegation; Department of Interior and Local Government bilang Best in Uniform; at Department of Education bilang Largest Contributor at Biggest Delegation. Inanunsyo din na umabot sa halagang 1.3 million pesos ang kabuuang contribution sa nasabing Alay Lakad 2016. Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply