Ambag ng Sanggunian
September 2, 2016
Batangueño Superstar
September 2, 2016

Inimbitahan bilang guest speaker sa 44th Walk for a Cause si 2nd District Representative Raneo Abu at doon ay pinaunlakan niya ng magandang balita ang mga Batangueño. Kabilang sa kanyang inilatag na mga programa ay ang kanyang lumalawak na scholarship program at maging ang kanyang planong pagaanin ang sitwasyong pantrapiko sa lalawigan sa pamamagitan ng paglaan ng pondo sa mga road widening projects. Naging tampok din ang kanyang tahasang pagpapakumbaba sa harap ni Mayor Rohanna Conti na asawa ng kanyang naging katunggali na si Atty. Nick Conti. Inihayag niya ang kanyang pakikiisa sa mga programa ni Mayor Conti sa bayan ng San Pascual na sakop din ng kanyang legislative district. Sa huli ay pinuri niya ang hangarin ng Alay Lakad na isang magandang kapakinabangan para mailayo ang kabataan sa droga at sa pag-ahon sa kanila sa kahirapan. Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply