Mga Natatanging Batangueña, Grupo sa Larangan ng Turismo, Pinarangalan ng Kapitolyo

Presentasyon, Sashing Ceremony ng Ilang Kandidata, Kandidato Isinagawa sa Kapitolyo
September 25, 2022
Regional Organic Agriculture Congress 2022 itinampok sa Batangas Capitol
September 26, 2022

September 25, 2022

Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), ang nahirang na mga Batangueña ng Department of Tourism (DOT) Region IV-A na “Exceptional Women of CALABARZON Tourism” para sa kanilang mga natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad at pagsulong ng turismo sa rehiyon.

Kabilang sa mga ito sina dating PTCAO Department Head, Atty. Sylvia Marasigan; Lipa City Tourism Head Aylene Acorda; Ms. Rowena Samonte, sales and marketing director ng isang kilalang hotel sa baybayin ng Lawa ng Taal; Ms. Simonette Gusi, pangulo ng Association of Hugon and Laiya Resort Owners; at Ms. Josephine Adame, isang award-winning visual artist.

Binigyang pagkilala rin ang mga Batangueña Beauty Queens na sina Mrs. Philippines – Grand International 2021 Patrizha Meer-Banzuela, at Mrs. Batangas – Philippines at Mrs. Tourism and Culture Universe 2019-2022 Rizzalie Joy Ebreo para sa kanilang naging kontribusyon at aktibong pagsisikap na itaguyod ang turismo, kultura at sining ng lalawigan sa pamamagitan ng pagiging halimbawa ng kagandahan at talinong taglay ng mga Batangueño.

Ginawaran naman ng Kapitolyo ng komendasyon ang Batangas Scuba Academy para sa kanilang adbokasiya sa marine ecology preservation at aktibong pagsisikap sa pagpipigil sa pagdami ng mga Crown of Thorns, isang uri ng starfish na nakasisira ng mga coral reefs sa mga baybayin ng lalawigan. Bahagi ito ng Verde Island Passage na “center of the center of marine biodiversity in the world” at parte ng mga sikat na atraksyon ng turismo sa Batangas.

Jayne Elarmo / Photos: JunJun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.