Presentasyon, Sashing Ceremony ng Ilang Kandidata, Kandidato Isinagawa sa Kapitolyo

Invitation to Bid – Infrastructure Project (October 18, 2022)
September 23, 2022
Mga Natatanging Batangueña, Grupo sa Larangan ng Turismo, Pinarangalan ng Kapitolyo
September 25, 2022

September 25, 2022

Isa sa mga naging tampok sa pagdiriwang ng Tourism Month Celebration, na may temang “Rethinking Tourism” sa taong ito, ang presentasyon at sashing ceremony ng mga kalahok sa gaganaping Mister and Miss Batangas Pageant 2023 noong ika-19 ng Setyembre 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), katuwang ang Mister and Miss Batangas Organization.

Ayon sa lead organizer ng provincial pageant na si G. Roberto Arnold L. Mercado, na nakatakdang isagawa kasabay ng pagdiriwang ng Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas sa ika-8 ng Disyembre 2022, ang provincial pageant, na nakatakdang isagawa kasabay ng pagdiriwang ng Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas sa ika-8 ng Disyembre 2022, ay naglalayong maisulong ang turismo at kultura ng Batangas.

Ayon pa kay Mercado, layunin din ng pageant na pasiglahin ang pagkakaisa sa pagitan ng mga kandidato at kanilang mga bayan at komunidad, ganun din ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga likas na yaman ng lalawigan.

Bahagi rin ng naturang event ang mga charity projects na lalahukan ng mga kandidato at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa mga piling charitable institutions.

30 na mga kalahok mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Batangas ang ipinakilala, 25 para sa Miss Batangas at 5 naman sa Mister Batangas, na inaasahang madadagdagan pa bago ang aktuwal na pageant sa Disyembre.

Sumaksi sa programa ang mga opisyal at empleyado ng Kapitolyo, sa pangunguna nina Acting Governor Mark Leviste, na siyang Chairperson ng Committee on Tourism, Culture and Arts ng Sangguniang Panlalawigan, at Acting Vice Governor Claudette Ambida – Andal.

Sa mensahe ni Acting Governor Mark Leviste, pinuri niya ang naging presentasyon ng mga kalahok at ang dedikasyon ng PTCAO, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas, at Mister and Miss Organization na maisakatuparan ang nasabing pageant.

Janssen Olimba/Photos: Junjun De Chavez Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.