US Agri-Business Trade Mission Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Batangas Province-led Agriculture and Fishery Extension System at Turnover ng Batangas Provincial Trading Center, Isinagawa sa Kapitolyo
July 20, 2022
40 Barangay ng Bauan, Nakatanggap ng Financial Grant mula sa Kapitolyo
July 21, 2022

July 20, 2022

Mainit na tinaggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Hermilando I. Mandanas, ang mga deligado na bumubuo sa United States of America (US) Agri-Business Trade Mission noong ika-19 ng Hulyo 2022 sa Bulwagang Batangan, Capitol Site, Lungsod ng Batangas.

Kabilang ang Lalawigan ng Batangas sa binisita ng nasabing US Trade Mission na naglalayong makatulong sa mga negosyanteng Amerikano para magkaroon ng business at investment opportunities sa Pilipinas, partikular sa larangan ng agrikultura.

Lumagda ang mga kinatawan ng trade mission at si Gov. Mandanas sa isang Joint Declaration, kung saan nakasaad ang lalo pang pagpapatibay ng matagal nang pagkakaibigan at makasaysayang ugnayan ng Republika ng Pilipinas at Estados Unidos, kapwa kapaki-pakinabang na mga ugnayan at layuning paghusayin ang kaalaman at kasanayan sa larangan ng agrikultura.

Kabilang sa mga lumagda sa nasabing declaration sina Minnesota Department of Agriculture Commissioner Thom Petersen, Nebraska Department of Agriculture Director Steve Wellman, at Kentucky Department of Agriculture Senior Trade Advisor Timothy Hughes. Naging saksi naman dito sina Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, Batangas Vice Governor Mark Leviste, Batangas Provincial Administrator Wilfredo Racelis, South Dakota – Department of Agriculture Secretary Hunter Roberts, Virginia Agriculture and Forestry Secretary Matthew Lohr at Lobo Mayor Lota Manalo.

Binigyang-diin ni Governor Mandanas sa kaniyang mensahe na magiging madali ang mga isasagawang pagtutulungan sa hinaharap sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano dahil sa pagkakapareha ng mga pamantayang sinusunod at ang makasaysayang ugnayan ng dalawang bansa.

Ornald Tabares, Jr/Photos: Eric Arellano, Batangas PIO Capitol

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.