July 21, 2022
Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang financial grant para sa 40 na mga barangay ng Bayan ng Bauan na nakatakdang ilaan ang pondo para sa pagbili ng mga generator sets.
Sa pamamagitan ng Barangay/Community Affairs Division ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), sa pamumuno ni Gng. Fredesvinda Mendoza, nakatanggap ng halagang ₱25,000 ang bawat barangay ng nasabing bayan noong ika-19 ng Hulyo 2022 sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.
Tuloy-tuloy ang pagbibigay suporta ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, para sa mga proyekto na makakatulong sa pagpapaunlad at pagpapaginhawa ng katatayuan ng mga mamamayang Batangueño.
Gian Marco Escamillas – Batangas Capitol PIO / PACD photos