Batangas Province-led Agriculture and Fishery Extension System at Turnover ng Batangas Provincial Trading Center, Isinagawa sa Kapitolyo

Mga Opisyal ng Batangas Association of Local Disaster Risk Reduction and Management Officers, Nanumpa
July 20, 2022
US Agri-Business Trade Mission Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
July 20, 2022

July 20, 2022

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang paglulunsad ng Province-led Agriculture and Fishery Extension System (PAFES), sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), sa Regina Reyes Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Hills, Batangas City noong ika-19 ng Hulyo 2022.

Layuning patibayin ng PAFES, na programa ng Department of Agriculture (DA), ang pagdadala ng mga extension services sa grassroots level sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DA, local government unit, academe, at pribadong sektor. Ang pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng OPAg, ang magsisilbing extension hub na magbubuo ng mga plano at programa sa agrikultura pati na rin ang pagsasaayos ng mga aktibidad ng iba’t ibang stakeholder na magpapaibayo ng kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.

Aktibong nakiisa sa naturang programa sina DA Assistant Secretary at Regional Executive Director ng Regional Field Office IV-A, Engr. Arnel De Mesa, at Provincial Agriculturist at PAFES Center Director, Dr. Rodrigo Bautista Jr., at nanguna sa pagbibigay ng mga certificates of agricultural interventions.

Isinagawa rin sa nasabing pagtitipon ang pormal na turnover ng Batangas Provincial Agricultural Trading Center (BPATC).

Binigyang-diin ni Governor DoDo Mandanas, na siya ring tumatayong Chairperson ng PAFES Provincial Management Committee, na ang kailangan sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura ay ang pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa mga pampubliko at pribadong sektor sa pagsusulong ng kapakanan ng mamamayan.

Dumalo at nakiisa rin dito ang mga bisita mula sa United States of America Agri- Business Trade Mission, na malugod na tinanggap ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Governor Mandanas.

Nilahukan naman ng mga exhibitors mula sa iba’t ibang kooperatiba at samahan sa lalawigan ang itinayong Community Food Market sa palibot ng DREAM Zone.

Janssen Olimba & Jayne Elarmo
Photos–Junjun De Chavez Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.