2022 Cooperative Month, Ipinagdiwang sa Batangas Capitol

Elderly Filipino Week, Ipinagdiwang sa Kapitolyo
October 28, 2022
Supplemental / Bid Bulletin No. 01
November 2, 2022

October 29, 2022

Masyang ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang culminating activity para sa selebrasyon ng Cooperative Month 2022 na inorganisa ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) noong ika-28 ng Oktubre sa Kapitolyo.

Ang selebrasyon , na may temang “ Koop Pinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabulunan at Sama-Samang Pag-unlad” para sa taong ito, ay pinangunahan ng mga kawani ng PCLEDO, sa pamumuno ni Ms. Celia Atienza, kasama ang iba’t-ibang mga kasapi ng mga kooperatiba mula sa iba’t-ibang bayan sa Batangas.

Naging panauhing tagapagsalita sa nasabing pagtitipon si Cooperative Development Authority (CDA), Undersecretary Joseph B. Encabo, na ipinaalala sa mga dumalo na “..ang lakas kooperatiba ay nanggagaling sa bawat miyembro, at ang lakas ng bawat miyembro ay nanggagaling sa kanilang tiwala at pananalig bilang mga mamamayang may pagmamahal sa koop.”

Hinikayat din nito ang mga “cooperators” na ipakita ang katapatan sa tungkulin at pagseserbisyo, hindi lamang sa kapwa miyembro, kundi pati na rin sa buong komunidad.

Sa pagtatapos ng kaniyang pananalita, ibinahagi nito ang kayang hangarin na mas marami pang kooperatiba ang mabigyan ng rekognisyon sa Gawad Parangal ng CDA dahil aniya dito nagmumula ang mga magagandang layunin at programa.
Samantala, binigyang pagkilala sa pagtitipon ang mga kooperatiba sa lalawigan na nagpamalas ng galing sa kani-kanilang larangan.

Tinanghal na Achievers sa Magiting KoopAwards 2022 ang Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative, Balakilong Credit Cooperative, Ibaan Market Vendors and Community Multi-Purpose Cooperative (MPC) at LIMCOMA MPC. Binigyan naman ng special recognition ang Batangas Transport Service Cooperative at Salaban 2 Women’s MPC. Hinirang na Outstanding Cooperative ang Malalim MPC, United Labor Service Cooperative at Tilambo MPC.

Ilan pa sa mga pagkilala na iginawad ay ang Best in Partnership, Linkages, and Innovations Award na nakuha ng San Isidro MPC; ang Most Efficient Cooperative Award na nakuha ng Tulo MPC at ang Most Improved Cooperative Award na nakuha ng Banalo MPC.

Nakiisa sa taunang selebrasyon ng mga kooperatiba si Gov. DoDo I. Mandanas; 5th District Senior Board Member at Sangguniang Panlalawigan Chairperson ng Committee on Cooperatives, Livelihood and Enterprises Development Claudette Ambida; Technical Education and Skills Development Authority Batangas Provincial Director Gerardo Mercado; at ACDI MPC Vice Chairperson, Ret. BGen. Manuel F. Natividad.

Kinahapunan ay naganap naman ang presentasyon ng mga Coop Related Programs na hatid ng iba’t-ibang ahensya tulad ng Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, Department of Agrarian Reform, TESDA, Department of Agriculture, PAG-IBIG at CSF.

Vinson-Roi C. De Chavez – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.