Pamamahagi ng Livelihood Settlement Grants ng DSWD Sustainable Livelihood Program for Friends Rescued isinagawa sa Kapitolyo

Batangas Capitol, ipinagdiwang ang 2024 National Arbor Day; Nagtanim ng 500 na mga punla ng puno sa Rosario, Batangas
July 13, 2024
Invitation to Submit Quotation – Small Value Procurement (July 18, 2024)
July 16, 2024

July 15, 2024

Patuloy ang paghahandog ng Livelihood Settlement Grants sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A para sa mga Friends Rescued (FR) o mga dating rebelde na nagnanais nang makiisa muli sa pamahalaan ngayong araw, ika-15 ng Hulyo 2024, na ginanap sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, kasama ang DSWD IV-A, nabigyan ang 48 na mga FRs na nagmula sa iba’t ibang munisipalidad sa Lalawigan ng Batangas ng tig-₱20,000 at may kabuuang halagang ₱960,000.

Nakiisa si Governor Hermilando Mandanas sa pag-aabot ng nasabing tulong pinansyal, at kanyang kinilala at pinasalamatan ang pagbabalik-loob ng mga FRs. Dumalo rin sa pagtitipon sina Vice Governor Mark Leviste, Anakalusugan Congressman Ray Reyes, 5th District Senior Board Member (BM) Claudette Ambida, 2nd District BM Arlene Magboo, 1st District BM Armie Bausas, 3rd District BM Fred Corona, 1st District BM Carlo Roman Rosales, 3rd District BM Rudy Balba, 4th District BM JP Gozos, PSWDO Chief Florita Lachica at Assistant Department Head Adelia Macaraig.

Sa tulong ng programa mabibigyan ng pagkakataon ang mga FRs na makapagsimula muli ng kanilang buhay bilang isang normal na mamamayan. Ayon kay DSWD Regional Program Coordinator, Mr. Melantie C. Acevada, ang tulong pinansyal ay ilalaan para sa kabuhayan na nais nilang simulan at ang natitirang kalahati naman ay ilalaan sa kooperatiba na kanilang bubuuin.

Sa panayam kay Ginang Lachica, bukod sa halagang natanggap, magpapaabot din ng iba pang tulong at serbisyo ang pamahalaang panlalawigan para sa mga FRs.

Nagbigay rin ng mensahe sina LtCol Ferdinand Bruce M. Tokong ng Philippine Army at PCol Angelito K. Guardian ng Philippine National Police, na nagpasalamat sa mga FRs sa pagbubukas ng kanilang isip at pagpiling makiisa muli sa bayan.

Dagdag pa nilang hangad nila ang patuloy na pagyakap ng mga ito sa kapayapaan, pagbabago at pagbangon muli sa buhay. Almira Elaine F. Baler – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.