Avian Influenza Advisory and Task Force Ipinalabas na ng Lalawigan ng Batangas

Notice of Vacant Positions
August 16, 2017
Pastol ng Batangueño
August 17, 2017

August 17, 2017

Nagpalabas na ang Pamahalaang Panlalawigan ng opisyal na Avian Influenza  Advisory na nagbibigay-alam sa publiko ng mga hakbang na isasagawa ng mga ahensya ng pamahalaan, partikular ang Department of Agriculture at Batangas Provincial Veterinary Office  upang hindi makapasok   ang nasabing sakit  na nakakaapekto sa mga hayop.

Nilagdaan ni Governor Hermilando  Mandanas ang  Provincial Advisory No. 17-001  noong Agosto 15, 2017 na nagtatakda  ng  mga alituntunin at regulasyon  upang maprotektahan  ang livestock industry ng Lalawigan.

Sa mandatong nakapaloob sa Republic Act 7160 o Local Government Code,  pinapayagan nito ang mga lokal na pamahalaan na  gumawa ng kanilang hakbang upang mapigilan ang  anumang uri ng animal diseases  sa kanilang lugar.

Base dito, ipagbabawal  na pumasok sa lalawigan ang anumang uri ng buhay na manok kasama ang mga  related by -products nito tulad ng karne, ready to lay pullets, day-old chicks,  eggs, semen and manure  kasama ang mga farm workers, handlers and haulers ng mga poultry transport na manggagaling malapit sa 7 kilometrong radius  mula sa episentro ng avian flu outbreak sa San Luis, Pampanga, ganun na rin ang mga magmumula sa mga lalawigan ng Pampanga, Nueva Ecija at anumang probinsya na may hinihinalang kaso ng Bird Flu.

Nakatakda ding dumaan sa matinding inspeksyon ang lahat  ng mga livestock at feed transport  na papasok  sa lalawigan. Ang mga ito ay sasailalim sa inspection and disinfection  sa mga checkpoints sa mga  pangunahing entry points ng probinsya.

Bukod sa apat na entry points,  nakatakadang magdagdag ng sampu pang checkpoints ang Provincial Veterinary Office upang mahigpit na matutukan ang  paggalaw ng mga poultry products sa lalawigan.

Ikinasa na rin ang pamantayan  na nagbabawal na pagsama-samahin sa iisang lokasyon, lagayan o kulungan  ang mga hayop, na tulad ng manok, bibe at baboy; at pagbabawal ng mga alpas na manok na makagala sa bakuran, base sa Provincial Ordinance No. 006 na ipinalabas noong  ika- 11 ng Mayo 2016.

Hinihikayat din ang mga lokal na opisyal tulad ng veterinarians, agricultural officers, technicians, farm owners at managers na  magmasid sa kanilang mga commercial at backyard poultry farms na nasasakupan at agad na ipagbigay  alam ang  kahinahinalang senyales ng pagkakaroon ng sakit o pagkamatay ng kanilang mga alaga.

Dapat  pagmasadan umano ang pagkakaroon ng  1 kaso ng pagkamatay bawat araw o kabuuang 3 porsyento ng total population ng manok sa loob ng 3 araw para sa mga commercial farms. Hindi maipaliwanag na pagkamatay ng 2 o higit pa sa mga alagang manok sa komunidad sa loob ng dalawang araw para naman sa mga backyard farms at pagkamatay ng mga alagang ibon na nakakulong sa mga aviaries at mga wild bird species na walang  human intervention and environmental factors.

Ang mga nasabing mga hakbang ay naipabot na rin sa mga poultry industry stakeholders ng binuong Provincial Avian Influenza Task Force  sa pagpupulong na ginanap noong ika- 15 ng Agosto 2017 sa Provincial Auditorium sa Kapitolyo.  Edwin V. Zabarte/ Batangas Provincial Information Office.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.