July 8, 2019
Isinagawa ng Provincial Program Management and Implementing Unit (PPMIU) ng Philippine Rural Development Program ng Lalawigan ng Batangas ang isang Inter-Agency Convergence Meeting, na ginanap sa Provincial Planning Conference Room, Capitol Compound, Batangas City noong ika-5 ng Hulyo 2019.
Dinaluhan ito ng mahigit 42 mga kalahok, na nagmula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaan Panlalawigan ng Batangas; mga national agencies sa lalawigan, kabilang ang Agricultural Training Institute, Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, Fertilizers and Pesticides Authority, at Department of Agriculture Region-4A; at, Batangas State University.
Nagbigay ng updates ang bawat component groups, tungkol sa kanilang mga proyekto na nakatuon sa mga agricultural products, tulad ng mangga, niyog, saging, kape at sea weeds; at pagpapagawa ng mga farm to market roads. Sa mga naging ulat, ibinahagi sa pagpupulong ang mga proyekto at aktibidad, kung saan inilalaan ang pondo na mula sa PRDP.- Bryan Mangilin, Batangas Capitol PIO; Photo: PCLEDO