Mga Batangueñong Tagapagtanggol ng Kalayaan. Nag-alay ng bulaklak sa Veterans’ Marker, na nakatayo sa harap ng Apolinario Mabini Legislative Building, sa pangunguna ni Acting Governor at 6th District Senior Board Member Rowena Sombrano-Africa, bilang pagbibigay pugay sa mga sundalong Batangueño na nag-alay ng buhay para sa bayan, ang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pagdiriwang ng ika-121 taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 2019 sa Capitol Compound sa Lungsod ng Batangas. (Inset) Kasama ni BM Sombrano-Africa (kaliwa) ang ilang mga Batangueño war veterans, kabilang si Mr. Perfecto Bonilla (2nd mula kaliwa) ng Lungsod ng Lipa, ang Post President ng Veterans Federation of the Philippines – Batangas Chapter. Vince Altar / Photos: Macc Ocampo - Batangas Capitol PIO
June 12, 2019
Mga Batangueñong Tagapagtanggol ng Kalayaan. Nag-alay ng bulaklak sa Veterans’ Marker, na nakatayo sa harap ng Apolinario Mabini Legislative Building, sa pangunguna ni Acting Governor at 6th District Senior Board Member Rowena Sombrano-Africa, bilang pagbibigay pugay sa mga sundalong Batangueño na nag-alay ng buhay para sa bayan, ang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pagdiriwang ng ika-121 taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 2019 sa Capitol Compound sa Lungsod ng Batangas. (Inset) Kasama ni BM Sombrano-Africa (kaliwa) ang ilang mga Batangueño war veterans, kabilang si Mr. Perfecto Bonilla (2nd mula kaliwa) ng Lungsod ng Lipa, ang Post President ng Veterans Federation of the Philippines – Batangas Chapter. Vince Altar / Photos: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
Sama-samang ipinagdiwang ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang ika-121 taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 2019 sa Marble Terrace ng Capitol Compound sa Lungsod ng Batangas.
Sa gabay ng temang “Ang Kaugnayan ng Pagdiriwang ng Kalayaan sa Kasalukuyan,” pinanguhan nina 6th District Senior Board Rowena Sombrano Africa, na tumatayo ring Acting Governor, kasama ang mga department heads at miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang pagtataas ng bandila ng bansa, na sumisimbolo sa kasarinlan at kalayaan ng mga Pilipino mula sa mananakop na mga dayuhan.
Nag-alay din ng mga bulaklak ang mga Capitol employees sa Veterans’ Marker, na matatagpuan sa harap ng Apolinario Mabini Legislative Building, upang alalahanin at bigyang-pugay ang mga sundalong Batangueño na nag-alay ng buhay para sa bayan.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Bokal Sombrano-Africa ang pagbati sa mga dumalo sa pagtitipon, sa ngalan ni Gov. DoDo Mandanas. Ipinaalala niya ang kahalagahan ng nasabing pagtitipon upang gunitain ang mga sakripisyo ng mga naunang mga kababayan upang matamasa ang kasalukuyang malayang komunidad na ginagalawan ng mga Batangueño at ng bawat Filipino.
Kasama ring nakiisa sa pagdiriwang ang ilang mga Batangueño war veterans, na mga miyembro ng Veterans Federation of the Philippines, at mga kinatawan ng Philippine National Police – Batangas Province, Philippine Army, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Department of Environment and Natural Resources, Boy Scouts of the Philippines, at Girl Scouts of the Philippines. Vince Altar – Batangas Capitol PIO