Municipal Hopping para sa 2nd State of the Coasts ng Lalawigan ng Batangas, Patuloy na Isinasagawa

Notice of Vacant Position
June 21, 2018
Out and Proud! Batangueño LGBT Pride March Umarangkada
June 25, 2018

June 21, 2018

Kilala ang Lalawigan ng Batangas sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman, kagaya ng napakaraming marine-based resources na nakakatulong sa pag-unlad at paglago, hindi lamang ng turismo, kundi pati na rin ng pamumuhay ng bawat isang mamamayang Batangueño.

Kaugnay nito, upang matiyak na mapalawak at mapalakas pa ang pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa mga marine and coastal areas, muling sinisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng tanggapan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), ang updating ng datos para sa 2nd State of the Coasts (SOC) report ng lalawigan.

Ang nasabing pagbibigay ng ulat sa estado ng mga baybaying-dagat ay isang gabay na dokumento na nagpapaliwanag kung ano ang mahusay at epektibong pamamaraan upang makamit ang pag-unlad ng ekonomiya kaugay ng patuloy na paggamit ng coastal at marine resources. Nagbibigay din ito ng malinaw na patnubay sa kung ano pa ang dapat gawing tuntunin sa pagpapanatili ng mga benepisyo na nakukuha mula sa mga baybayin at karagatan.

Ang SOC ay hango sa balangkas para sa Sustainable Development of Coastal Areas (SDCA) ng Partnerships in Environmental Management for the Seas of East Asia o PEMSEA kung saan ito ay nagbibigay ng simple at makabuluhang pamantayan para sa gagawing pagsusuri.

Sa isang panayam kina Ms. Rochelle Amboya at Ms. Ma. Sherylyn P. Barot, kapwa Environmental Management Specialist II ng PG-ENRO, kasalukuyang nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng Workshop kaisa ang iba’t ibang ahensya ng Municipal at City Local Government Units gaya ng Municipal Health Office (MHO), Municpal Agriculture Office (MAO), Municipal Planning and Development Coordinator (MCDC). Katulong rin nila sa pangangalap ng datos ang mga non-government organizations (NGOs), Private Organizations at stakeholders.

Ang programa ay kinalalahukan ng 15 coastal cities and municipalities kabilang ang major bays ng probinsya na Batangas Bay, Balayan Bay at Tayabas Bay, pati na rin ang Major Rivers na Calumpang River (Batangas City), Pansipit River (San Nicolas, Agoncillo, Lemery at Taal) at Benangbang River (Balayan).

Ang nasabing workshop ay may layuning makapagbigay ng impormasyon sa iba’t ibang indicators na ginagamit sa pag sukat ng kalagayan ng isang marine at coastal areas. Ang ilan sa mga indicators sa pagsukat ng State of the Coasts ay ang legislation, financing mechanisms, habitat protection, restoration and management, food secruirty and livelihood management at pollution and waste management. Ang mga datos na nakolekta ay inaasahang makapagbibigay ng tugon sa mga kakulangan sa pag-aalaga ng ating kalikasan.

Inaasahang makatutulong ang SOC na suriin ang kalagayan ng Integrated Coastal Management Implementation (ICM) sa lalawigan. Ito ay upang makapagbigay ng rekomendasyon sa mga iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan para mas mapagbuti pa ang pangangalaga sa kalikasan.

Ang, SOC ng lalawigan ay unang isinagawa noong taong 2007, ang kauna-unahang comprehensive assessment na ginawa sa East Asian Seas (EAS) Region, na, sa katunayan, ay nagsilbi bilang pundasyon at batayan ng iba pang local governments sa bansa para makapagbigay ng kanilang State of the Coast Reports.

Umaasa naman ang PG-ENRO na makakapaglabas o matatapos ang report ngayong taon. Nakatakda namang magpatuloy sa apat pang bayan ang Municipal Hopping upang makakalap ng datos at impormasyon na inaasahang makakapagpaangat sa kalidad ng estado ng mga baybayin sa lalawigan. – Mark Jonathan Macaraig at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.