Pagpupulong para sa Ikaapat na Siklo ng Seasonal Closure ng PG-ENRO, Isinagawa

Bantayog – Wika Ng Komisyon Ng Wikang Filipino, Itatayo Sa Batangas Capitol
January 24, 2018
Provincial Coop Department Head, Nahalal sa Pamunuan ng mga National Coop Groups
January 26, 2018

January 26, 2018

Sa pangunguna ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), isang pag-aanalisa at ebalwasyon ang isinagawa tungkol sa nakaraang implementasyon ng ika-apat na siklo ng seasonal closure ng mga Look ng Balayan, Talin at Nasugbu. Ito ay ginanap noong ika-25 ng Enero 2018 sa PG-ENRO Conference Hall, Capitol Compound, Batangas City.

Layon ng pagpupulong na ito na mapagtalakayan ang naging resulta ng isinagawang seasonal closure, ang kauna-unahang inter-LGU Seasonal Closure Inititative sa buong Pilipinas, sa mga pangisdaang nasasakupan ng 11 coastal municipalities ng Lalawigan ng Batangas at makapaghanda sa kung anong maaari pang gawin sa susunod na siklo.

Ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng seasonal closure ay ang paghina ng mga nahuhuling isda, illegal na pangingisda, panghuhuli sa mga maliliit na isda at pagsira sa tirahan ng mga ito.

Samantala, ibinahagi naman ni Dr. Christopher Elvidge, Physical Scientist ng National Oceanic and Atmospheric Organization (NOAA) Earth Observation Group ang isang teknolohiya na tinatawag na VIIRS o ang Visible Infrared Imaging Radiometry Suite para sa deteksyon 24 oras ng mga bangka sa buong bansa.

Sa huling bahagi ng pagpupulong, napagkasunduan na magdadagdag pa ng mga IEC materials, Resolution network at haba ng pagsasagawa ng seasonal closure.  Ma. Cecilei C. De Castro at Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.