Bantayog – Wika Ng Komisyon Ng Wikang Filipino, Itatayo Sa Batangas Capitol

Pagpupulong Ng Mga Miyembro Ng Batangas Officers Association (Batoa)
January 24, 2018
Pagpupulong para sa Ikaapat na Siklo ng Seasonal Closure ng PG-ENRO, Isinagawa
January 26, 2018

Bantayog ng Wika sa Batangas. Lumagda sa isang Memorandum ng Unawaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na kinatawan ni Gov. Dodo I. Mandanas, at Komisyon ng Wikang Pilipino, sa pamamagitan ng Tagapangulo nitong si Ginoong Virgilio Almario (2nd mula kaliwa), para sa pagtatayo ng Bantayog ng Wika sa Batangas Capitol noong ika-22 ng Enero, 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Kasama nila sina (kaliwa) 5th District Board Member Claudette Ambida Andal, ang Chairperson ng Committee on History, Tourism, Culture and Arts ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Atty. Sylvia Marasigan. Kimzel Joy T. Delen / Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Bilang bahagi ng pagtatatag ng Bantayog-Wika sa Batangas, nilagdaan ang isang Memorandum ng Unawaan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na kinatawan ni Gov. Dodo I. Mandanas, at Komisyon ng Wikang Pilipino, sa pamamagitan ng Tagapangulo nitong si Ginoong Virgilio Almario, noong ika-22 ng Enero, 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Napili ng Komisyon ng Wikang Filipino na maging isang lokasyon ng pagtatatag ng Bantayog-Wika ang Probinsya ng Batangas.

Ang Bantayog-Wika ay isang monumento o pisikal na istraktura na nagbibigay halaga sa mga wikang katutubo bilang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, kahalagahan, gawi, tradisyon at kasaysayan ng mga Filipino.

Planong itayo ang istraktura sa isa sa mga parks ng Kapitolyo bilang isa itong malawak at maaliwas na espasyo.  Ang Batayog-Wika ay may kabuuang sukat na 10 ft x 2 ft ang diameter at gawa sa stainless steel na gagawin ng iskultor na si Mr. Luis “Jun” Lee.

Kasamang lumagda sa kasunduan sina 5th District Board Member Claudette Ambida Andal, ang Chairperson ng Committee on History, Tourism, Culture and Arts ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Atty. Sylvia Marasigan.    Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.