Bauangeña na Namayagpag sa 39th Sea Games, Binigyang Pagkilala ni Gov. Dodo Mandanas

DILG Bureau of Local Government Supervision Advisory – Local Public Transport Route Plan Manual Volume 1
January 8, 2018
Gov. Dodo Mandanas, Nakiisa sa Isinagawang Sto. Niño ng Batangan Fluvial Procession
January 8, 2018

January 8, 2018

Pinarangalan ni Gov. Dodo Mandanas ang kakayahan ni Kim Exconde Mangrobang, tubong Poblacion 2, Bauan, Batangas, na nakuha ang kampeonato sa Triathlon Competition ng 39th South East Asian Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto 2017.

Ipinagmalaki ng gobernador na kababayan niya ang bente singko anyos na atleta na kasalukuyang nag-aaral sa Dominican College, Sta. Rosa, Laguna. Aniya, nararapat lamang na bigyang pagkilala, suporta at pag-akay ang mga Batangueñong manlalaro lalo pa’t nakikita na ang galing, talino at kakayahan ng mga ito sa loob at labas ng bansa.

Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa watawat ng Pilipinas noong ika-8 ng Enero taong kasalukuyan, iniyahag ni Gov. Mandanas ang iba pang programa para sa mga mag-aaral at atleta, gaya ng pagpapalawig pa ng scholarship program na nakakatulong sa mga kabataang nasa senior high school hanggang kolehiyo. Nais din palakasin ng gobernador ang mga pagsasanay ng mga atletang Batangueño sa iba’t ibang larangan ng palakasan upang mas tingalain pa at maipamalas ang kakayahan at kagalingan ng mga batang manlalaro ng probinsya ng Batangas.

Samantala, inaasahan namang pag-iibayuhin pa ni Mangrobang ang kanyang lakas, bilis at determinasyon sa Triathlon para sa pinaghahandaang Asian Games na gaganapin sa Indonesia sa darating na Agosto 2018. Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.