Tulong sa mga barangay, SK, displaced workers ipinamahagi ng Kapitolyo

Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, nakiisa sa pagdiriwang ng “Kalayaan 2025”
June 13, 2025

June 16, 2025

Sa pamamagitan ng Provincial Assistance for Community Public Employment and Youth & Sports Development Office (PACPEYSDO), ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ngayong araw, ika-16 ng Hunyo 2025, ang financial assistance para sa ilang mga Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan (SK) at mga kababayang displaced workers.

Pinangunahan ni Gov. DoDo Mandanas ang distribusyon na ginanap sa RRMM DREAM Zone, Kapitolyo, Lungsod ng Batangas, kung saan 11 na mga pamahalaang barangay ang nakatanggap ng tulong, kabilang ang Barangay Talisay, Calatagan, na pinagkalooban ng ₱100,000 para sa isang Patrol Tricycle; Barangay Sto. Tomas, Tingloy, ₱150,000 para sa isang submersible pump; at Barangay Bajo East, Lungsod ng Tanauan, ₱200,000 para sa isang submersible pump.

3 SK naman ang nabigyan ng tig – ₱10,000 para sa kani-kanilang proyekto, kabilang ang net boundary para sa Barangay Talahib at San Jose ng Tingloy, at sports tournament ng Barangay Mahabang Dahilig ng Lungsod ng Batangas.

84 na mga indibidwal mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Employee Assistance Program.

Nakasama rin sa pagtitipon sina Vice Gov. Mark Leviste, Atty. Angelica Chua-Mandanas, PACPEYSDO Assistant Department Head Arthur Caguitla, at iba pang mga opisyal at kawani ng PACPEYSDO.

V. Altar / Froilan Salcedo, Jr. – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.