Plake ng Pagkilala Kaugnay ng One Million Trees Project, Iginawad sa Lalawigan

Daan-daang Punla ng mga Puno, Itinanim sa Batangas Province Kaugnay ng National Arbor Day
July 6, 2022
Insentibo ng Kapitolyo sa mga Retiradong Barangay Functionaries, Muling Ipinamahagi
July 6, 2022

July 6, 2022

Ginawaran ng Plake ng Pagkilala ng JG Summit Olefins Corporation (JGSOC), sa pamamagitan ng kanilang One Million Trees Project, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na naging isa mga katuwang ng kompanya sa mga proyektong may kinalaman sa “reforestation, protection and conservation of the environment.”

Malugod itong tinanggap nina G. Carlos Jose Pastor, Executive Assistant to the Governor at G. Luis A. Awitan, Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) department head, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, noong ika-23 ng Hunyo 2022 sa Simlong, Lungsod ng Batangas.

Katulong ang nasabing kompanya, may kabuuang 445,332 ng iba’t-ibang uri ng mga forest at fruit-bearing seedlings ang naipamahagi ng PGENRO sa mga bayan at lungsod, mga pribadong organisasyon, simbahan at indibidwal. Itinanim ang mga nasabing punla sa mga tabing-daan, bakanteng lote, bakuran, at lugar na malapit sa paaralan, barangay hall, simbahan, sanitary landfills at closed dumpsites, at iba pang lugar na maaaring pagtaniman kagaya ng mga bundok at burol.

Isang commemorative tree planting activity naman ang inorganisa ng JGSOC,
kasabay ng pagdiriwang ng Arbor Day, bilang pagdiriwang sa nabanggit na naabot na milestone ng One Million Trees Project. Ang halos kalahating milyong mga punla ay naipamahagi ng JGSOC sa iba’t-ibang benepisyaryo simula noong taong 2016, at nagpatuloy maging sa panahon ng pandemya.

Nagtanim ng mga punla ng Banaba at Balayong ang mga opisyal at kawani ng JGSOC sa loob ng JGSOC Petrochemical Complex. Nakiisa rin sa isinagawang aktibidad sina 5th District Congressman Marvey Mariñoat Batangas City Mayor Beverley Dimacuha.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
6

Comments are closed.