Insentibo ng Kapitolyo sa mga Retiradong Barangay Functionaries, Muling Ipinamahagi

Plake ng Pagkilala Kaugnay ng One Million Trees Project, Iginawad sa Lalawigan
July 6, 2022
8 Barangay ng Batangas Province, Ginawaran ng Seal of Good Local Governance
July 6, 2022

July 6, 2022

Muling namahagi ng Provincial Service Incentive o PSI ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga retiradong opisyal at functionaries ng barangay sa Lalawigan ng Batangas noong ika-1 ng Hulyo 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Bilang pagkilala at pasasalamat sa serbisyong iginawad ng mga barangaay retirees sa kanilang mga pamayanan, personal na iginawad ni Governor DoDo Mandanas ang mga insentibo kasama ang mga opisyal ng Public Employment and Special Services Division (PESSD) na sa ilalim ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD).

Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pang-radio ng pamahalaang panlalawigan kay G. Leticia Austria, dating kapitan ng Brgy. Saguing, Mabini, Batangas, nagpahatid ito ng kaniyang pasasalamat sa ginawang pagkilala at tulong pinansiyal sa mga katulad nila na naging katuwang ng pamahalaan sa pagseserbisyo sa kanilang mga komunidad.

Ayon kay Gov. Mandanas, ang Lalawigan ng Batangas lamang ang namimigay ng service incentive sa mga retiradong opisyal ng barangay sa buong Pilipinas. Sa pamamagitan ng ganitong programa, maipaabot ng pamunuan ng lalawigan ang kanilang pagkilala sa mga sakripisyo at pagsisilbi ng mga katuwang na lingkod bayan sa kanilang nasasakupang pamayanan, lalo’t higit sa mga panahon ng mga kalamidad at iba pang mga suliranin at pagsubok.

Ang pagkakaloob ng ganitong insentibo ay isang paraan upang kilalanin ang mga nagawa ng mga barangay functionaries na naglingkod sa kani-kanilang mga barangay sa 34 na mga lungsod at bayan ng Batangas ng hindi bababa sa limang taon.

Gian Marco Escamillas – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.