September 20, 2018
Pinagtutuunan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang iba’t-ibang mga proyekto patungkol sa ekonomiya, kalusugan, imprastraktura at transportasyon kaya naman patuloy ang mga pagpupulong para sa ikauunlad ng lalawigan.
Kaugnay nito, ginanap ang 3rd Quarter Provincial Development Council Meeting na pinangunahan ng Provincial Planning and Development Office, na pinangangasiwaan ni Benjamin I. Bausas, noong ika-20 ng Septyembre sa Provincial Budget Office Conference Room, Capitol Site, Batangas City.
Ang Quarterly meeting ay ginawa upang i-update ang Provincial Development Investment Program (PDIP) 2017-2022, alinsunod sa patakaran ng PDIP.
Gumanap bilang presiding officer si Provincial Administrator Levi Dimaunahan upang matugunan ang iba’t-ibang issue kabilang ang tungkol sa Annual Investment Program (AIP 2019), pagpapasok sa budget ng implementasyon ng Simula ng Pag-Asa (SIPAG) Project, ayuda ng pamahalaang panlalawigan sa mga kalahok sa Program, at mga programa ng Bureau of Fire Protection and Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Kasalukuyang may nakatalang 92 PDIP Projects. Sa nasabing bilang, 27 dito ay nakatuon sa social concerns, 25 sa economic development, 16 sa Infrastructure, 8 sa Environment, at 16 sa Institutional para sa 2017-2022 na may kabuuang halaga na P12 Bilyon. – Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO