Water Filtration Machine, Inihandog sa Tingloy

Health Workers ng Batangas Binigyang Kaalaman sa Brief Tobacco Intervention Program
June 7, 2018
Notice of Vacant Position
June 14, 2018

Para sa supply ng malinis na tubig sa Tingloy. Isang Water Filtration Machine ang ipinagkaloob ng Office of the Civil Defense (OCD) – CALABARZON, sa pangunguna ni OCD Director Olive Luces (nakaputing damit), para sa Munisipalidad ng Tingloy noong ika-8 ng Hunyo 2018 sa Provincial Capitol, Batangas City. Nakiisa sa pagtitipon sina Governor Dodo Mandanas at 6th District Board Member Lydio Lopez. John Derick Ilagan | Photo by Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

June 8, 2018

Isang demonstrasyon at turnover ng Water Filtration Machine para sa Municipality of Tingloy ang isinagawa ng Office of the Civil Defense (OCD) – CALABARZON, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na ginanap sa Marble Terrace, Capitol Compound, Batangas City nitong ika-8 ng Hunyo 2018.

Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas at OCD Director Olive Luces ang demonstration at turnover kasama ang Tingloy Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) head Herbert Dumaoal na siyang naging kinatawan ng bayan ng Tingloy.

Ang malinis na inuming tubig ang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay ngunit di sapat ang supply nito lalo na sa mga bayang tulad ng Tingloy na isang isla. “Ang Munisipalidad ng Tingloy ang nag-iisang bayan sa lalawigan ng Batangas na isang isla, bukod sa Isla Verde na parte ng Batangas City,” salaysay ni Gov. Dodo Mandanas sa kanyang pananalita sa pagtitipon. “Kaya malaking tulong ang filtration machine sa ating mga kababayan sa Tingloy.”

Ang CALABARZON ang pinaka-unang rehiyon na nabiyayaan ng Water Filtration Machine mula sa OCD. Ang nasabing machine ay may 3 stages filtration system para maalis ang solid materials mula sa raw water sources tulad ng ulan, ilog, lawa, drainage, dagat at brackish water. Kaya rin nito na mag proseso ng tatlong libong galon ng tubig kada araw at may pressure pump na may 2 horse power capacity.

Saksi sa naging aktibidad ang ilang kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at OCD uniformed reservists. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.