Walk a Mile in Her Shoes Charity Walk Isinagawa sa Batangas

PhP 3 Milyon Ilalaan para sa “Batangas Karamay ng Marawi”
June 30, 2017
Nutrition Month Celebration 2017 Humataw Na Sa Kapitolyo!
July 3, 2017

Batangas Capitol does Walk a Mile in Her Shoes. Isinagawa ng Batangas Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities o ERPAT ang programang “Walk a Mile in Her Shoes” sa Lalawigan ng Batangas bilang bahagi ng Father’s Day Celebration noong ika-28 ng Hunyo 2017. Game na naglakad ang higit kumulang na 200 na mga kalalakihan, kabilang si Provincial Agriculturist Engr. Abe Balantac (2nd mula sa kaliwa), bitbit ang mga placards na nagsasaad ng pagtutol at paglaban sa Violence Against Women and Children. JJ Pascua / Karl Ambida - Batangas Capitol PIO

June 30, 2017

Batangas Capitol does Walk a Mile in Her Shoes. Isinagawa ng Batangas Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities o ERPAT ang programang “Walk a Mile in Her Shoes” sa Lalawigan ng Batangas bilang bahagi ng Father’s Day Celebration noong ika-28 ng Hunyo 2017. Game na naglakad ang higit kumulang na 200 na mga kalalakihan, kabilang si Provincial Agriculturist Engr. Abe Balantac (2nd mula sa kaliwa), bitbit ang mga placards na nagsasaad ng pagtutol at paglaban sa Violence Against Women and Children. JJ Pascua / Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Inilunsad ng Batangas Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities o ERPAT ang programang “Walk a Mile in Her Shoes” sa Lalawigan ng Batangas bilang bahagi ng Father’s Day Celebration noong ika-28 ng Hunyo 2017.

Ang simbolong paglalakad ng mga tatay na naka high heels ay isang pagpapakita o pagbibigay kahalagahan sa mga pang- araw- araw na pinagdaraanan ng mga kababaihan.

Dala ang mga placards na kanilang ginawa na nagsasaad ng pagtutol at paglaban sa Violence Against Women and Children, masayang naglakad ang mahigit kumulang na 200 miyembro ng Batangas ERPAT na naglakad suot ang high heels ng kanilang mga misis.

Layunin ng walk on heels ang pagpapalawak ng kamalayan ng publiko sa dinaranas na karahasan ng mga kababaihan at mga kabataan sa buong bansa.

Orihinal na nagsimula at isinagawa sa bansang Amerika, ang Walk on Heels Charity Event na ginagawa ng mga Men’s organization sa buong mundo upang mangalap ng pondo para makatulong sa mga rape victims sa kanilang mga bansa.

Sa Lalawigan ng Batangas, layunin magamit ang makakalap na pondo mula sa charity walk sa pagtulong sa mga kababaihan at kabataang biktima ng ibat’t-ibang forms violence, bukod sa rape, tulad ng domestic violence, physical abuse, mental abuse, at employment and economic abuses.

Isang pasasalamat ang ipinaabot ni Batangas Governor Hermilando Mandanas sa mga nakilahok at resource speakers mula sa Department of Social Welfare and Development na siyang naglatag na nasabing programa.

Naging panauhin sa okasyon sina Vice- Governor Nas C. Ona Jr., Board Member Rowena Sombrano-Africa, Provincial Social Welfare and Development Officer Jocelyn Montalbo, ERPAT Board Director Zosimo Sanggalang, ERPAT Vice President Joseph Calingasan at DSWD MOVE National President and Sectoral Concerns Head Ricky Gunao.

Ayon kay Governor Mandanas, napapanahong bigyang pansin ng pamahalaan na wakasan ang mga pang-aabuso sa kababaihan at kabataan di lamang dito sa lalawigan, kundi sa buong bansa at ang pagkakaisa na ipinakita ng ERPAT ay isa sa mga malaking hakbang upang maisakatuparan ang magandang adhikain./ Edwin V. Zabarte, BatangasPIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.