Vice Gov. Leviste, nag-ulat sa unang 100 araw ng panunungkulan

Batangueñong StarStruck Season 7: Ultimate Male Survivor, kinilala sa Kapitolyo
October 9, 2019
AboitizLand Football Cup – Luzon leg 2019, idaraos sa Batangas
October 9, 2019

October 9, 2019

Matapos ang pagpupugay sa watawat ng Pilipinas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-7 ng Oktubre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City, na pinangunahan ng Office of the Vice Governor (OVG), nagbigay ng ulat si Vice Government Mark Leviste sa mga nagawa at naisakatuparan ng kanyang tanggapan matapos ang 100 araw ng panunungkulan.

Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Vice Gov. Leviste sa pagkakapanalo niyang muli bilang bise-gobernador ng lalawigan, at binanggit ang mga naging proyekto nila, kabilang ang free live showing ng huling labang ni Sen. Manny Pacquiao, dental mission sa Tanauan City, pamimigay ng wheelchairs, at iba pang mga aktibidad katuwang ang ilang mga foundations.

Sa larangan naman ng lehislatura, naipasa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang Ordinance on Disposal of Properties, at Ordinansa na nag-eendorso sa Office of the President na ideklarang taunang holiday sa Lalawigan ng Batangas ang January 31, 2020, bilang paggunita sa Nasugbu Landing ng 11th Airborne Division ng United States Eight Army na isang malaking panalo ng Allied Forces para mapalaya ang Pilipinas noong World War II.

Sa kasalukuyan, tinalakay na ng SP ang mga panukala sa pagbuo ng Batangas Provincial Council for the LGBTQIA+ SOGIE Community, at para sa computerization ng legislative processes para sa mas epektibo at mabisang records keeping, preservation at retrieval ng mga legislative instruments; at isang resolution upang i-endorso sa Kongreso ang Reapportionment ng First District at Third District ng lalawigan.

Nakakalendaryo rin bilang mga kasunod na aktibidad ng OVG ang Batangas 3×3 Basketball, Batangas Football League, at Batangas Amateur Golfers Championship.

Bryan Mangilin – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.