March 11, 2019
Upang talakayin ang Universal Health Care (UHC) Law or Republic Act No 11223, pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas ang isang pagpupulong ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kasama ang mga Chiefs of Hospital ng mga panlalawigang pagamutan, sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City noong ika-7 ng Marso 2019.
Pinag-usapan sa pagtitipon ang kapakanang pangkalusugan ng mga Batangueño, batay sa mga benepisyong maaaring matamasa ng mga ito mula sa mga provincial at district hospitals, sang-ayon sa batas na naglalayong awtomatikong magtatala sa bawat Filipino sa National Health Insurance Program.
Pinagtuunan ng pansin ng mga opisyal ng Kapitolyo at mga dumalong duktor at hospital administrators ang mga hakbang na kinakailangang gawin upang maging epektibo at mabilis ang koordinasyon sa pagitan ng provincial hospitals at PhilHealth.
Binigyang-diin ni Gov. Mandanas sa pagpupulong ang pangangailangan ng pamahalaang panlalawigan “…to increase the level of our services by improving our accountability and capability building.” ✎ JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Batangas PIO Capitol