Tulong Pangkabuhayan Iginawad Sa Mga Piling Kooperatiba ng 6th District

Laging Handa
September 15, 2017
Gov. Dodo, Guest Speaker sa Economic Development Seminar
September 22, 2017

September 18, 2017


Tuloy tuloy ang ayudang pangkabuhayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Isa na dito ang pagbibigay tulong sa ilang kooperatiba sa Lungsod ng Lipa, na nagawaran ng suporta sa pakikipagtulungan ni 6th District Senior Board Member Wheng Sombrano-Africa at Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) chief Mrs. Celia Atienza noong Setyembre 15, 2017.

Tinanggap ng Samahan ng Kababaihan Para sa Kaunlaran Multi-Purpose Cooperative (SANGKAP MPC) ang tsekeng nagkakahalagang PhP 280,000.00 bilang tulong para sa kanilang proyektong Entrepreneurial Development. Samantala, ang Halang Centerpoint Multi-Purpose Cooperative naman ay tumanggap ng PhP 250,000.00 para naman sa Livelihood and Entrepreneurial Advocacy ng kanilang lugar.

Personal na iniabot ni Gov. Dodo Mandanas ang mga financial assistance sa mga representante ng mga nasabing kooperatiba. Nagalak ang gobernador sa mga proyekto ng mga kooperatiba sapagkat nakikita niyang kumikilos ang mga ito na kaakibat sa kanyang programang RICH Batangas.

Jhay Jhay Pascua/Photo by: Eric Arellano – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.