Takbo para sa Kalusugan, Idinaos sa Lalawigan ng Batangas

Notice of Award – Purchase of 300 boxes of Antigen Test Kit, 25’s for use in District Hospitals and PHO Proper
June 14, 2022
Lalawigan ng Batangas, Nakiisa sa Pagdiriwang ng World Blood Donor Day
June 15, 2022

June 15, 2022

Naging matagumpay ang paglulunsad ng kauna-unahang Health Marathon sa Lalawigan ng Batangas kahapon, ika-12 ng Hunyo 2022, na nilahukan ng mahigit 500 na mga mananakbo na nagparehistro online.

Ang 28-kilometer run o mahigit sa half marathon ay nagsimula ganap na alas-singko ng umaga sa Batangas Provincial Capitol at nagtapos sa Montemaria Shrine sa Barangay Pagkilatan, Batangas City.

Hinirang ang may kabuuang 20 na pinakamabilis na natakapos sa paligsahan, na tig-sampu sa male at female categories.

Nagwaging 1st placer si Arlan Arbios para sa male category, na tinakbo ang rota sa loob ng 1 oras at 42 na minute, habang nasungkit naman nina Richard Salano (1:44:00) at Welfred Espora ang 2nd place at 3rd place, (1:53:02) sang-ayon sa pagkakasunod.

Sa female category, itinanghal na 1st placer si April Rose Diaz, na natapos ang race course ng 2 oras at 15 na minuto; 2nd placer si Maricar Camacho (2:19:00); at 3rd placer si Jocelyn Elijeran (2:32:00).

Ang naturang health marathon o takbo para sa kalusugan ay isang collaboration project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, Anakalusugan Party list, at 27 Sports Group.

Layunin nito na ma-ipromote ang health awareness at mabigyan ng empowerment ang bawat indibidwal at mga komunidad na maging responsible para sa sariling kalusugan sa pamamagitan ng pagtakbo at pakikiisa sa mga ganitong uri ng aktibidad.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: MacVen Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.