Smoke Free Task Force Tinalakay ang Implementasyon ng “No Smoking and Vaping Ordinance” sa Batangas Province

Notice of Vacant Positions
October 20, 2022
Gng. Florita “Flor” Lachica, Hinirang na 2022 Outstanding Social Worker of the Philippines
October 21, 2022

October 20, 2022

Nagpulong ang Batangas Province Smoke Free Task Force ngayong araw, ika-20 ng Oktubre 2022, sa Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office Conference Room sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas upang pagtalakayan ang maayos na pagpapatupad ng Provincial Ordinance No. 006 – 2019 o ang “No Smoking and Vaping Ordinance.”

Ang Smoke Free Task Force ay binuo sa pamamagitan ng nasabing ordinansa na iniakda ni 2nd District Board Member Arlene Magboo, at inaasahang magsusulong ng implementasyon, pagpapatupad at pagsubaybay nito, kasama na ang mga kaagapay na educational awareness campaign, information dissemination projects at capacity building programs para maisakatuparan ang mga layunin ng lokal na batas.

Pinangunahan ang talakayan nina Gov. DoDo Mandanas, bilang task force chairperson, at Dr. Rosvilinda Ozaeta, bilang vice chair.

Ibinahagi ni Bokal Magboo, ang tumatayong chairperson ng Committee on Health ng Sangguniang Panlalawigan, ang mga tungkulin task force at ng mga miyembrong tanggapan at ahensya nito. Inaasahan din aniya na, sa pamamagitan ng provincial ordinance, magkakaroon ng mga kaukulang mga ordinansa ang mga bayan at lungsod ng lalawigan upang may task forces din na makakatuwang sa pagpapatupad ng batas sa bawat barangay ng Batangas.

Naging mahaba naman ang pag-uusap at pagpapalitan ng ideya tungkol sa mga nilalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng ordinansa, partikular ang pagpapataw ng parusa, kabilang ang pag-iisyu ng citation ticket sa mga violators at pagbabayad ng multa, pagpapagawa ng community service, hanggang sa posibleng pagkakakulong.

Napagkasunduan namang makikipag-ugnayan ang task force sa mga pamahalaang lokal ng lalawigan upang makuha ang kani-kanilang mga mungkahi at panukala sa mas epektibong pagpapatupad ng nasabing batas, na nakatuon sa pagsusulong ng mas malusog na populasyon sa pamamagitan ng pag-iwas sa paninigarilyo at vaping.

Ayon sa datos na ibinahagi ng Department of Health – Batangas Province sa pagpupulong, 8 milyon ang binawian ng buhay kaugnay ng paninigarilyo. 7 milyon dito ang direktang nagkasakit, samantalang nasa 1 milyon ang nadamay dahil sa paglanghap dito. Isa sa apat na Pilipino ang naninigarilyo, kabilang ang 1 sa bawat 10 na kabataan, habang nasa ₱188 Bilyon naman ang nagagastos kada taon sa mga health and medical issues na may kinalaman sa paninigarilyo sa bansa.

Nakiisa sa pagpupulong sina Association of Barangay Captions – Batangas Province President, Board Member Willy Maliksi; Sangguniang Kabataan Federation President, Board Member Louise Vale; Provincial Administrator Willy Racelis; at iba pang mga department heads ng Kapitolyo at national agency representatives na bahagi ng task force.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.